Paano Mag Set Up ng Metamask Wallet at Protektahan ang Iyong Mga Coins ng Step-by-Step (May Mga Larawan)
Paano Mag Set Up ng Metamask Wallet at Protektahan ang Iyong Mga Coins ng Step-by-Step (May Mga Larawan)
On Oktubre 10, 2023 by adminSa patnubay na ito, sasabihin namin sayo…
- Paano i-setup ang iyong Metamask Wallet (Step-by-step)
- Bakit kailangan ng lahat ng crypto investor ang cold wallet (at kung paano ito madaling ikabit sa iyong Metamask)…
- Ang mga pinakamagandang kagawian upang protektahan ang iyong mga coins sa Wicked Wild West ng Web3…
Ano nga ba ang Metamask?
Ang Metamask ay isang ethereum wallet; nangangahulugan na maaari kang maglagay rito ng ether (ETH) at iba pang tokens ng ERC-20 (tokens na nasa blockchain ng ethereum)
Pwede ka ring gumamit ng mga dApps tulad ng Uniswap…
At gumawa ng mga transaksyon gamit ang kahit na anong ethereum address.
Narito kung papaano i-install ang Metamask.
Paano mag-install ng Metamask
Step 1:
Dalawang web browser ang sumusuporta ng paggamit ng Metamask; Google Chrome at Firefox.
Gagamitin natin ang Chrome para sa halimbawang ito. Ang unang hakbang para i-install ang Metamask ay buksan ang Chrome at pumunta sa Metamask.io
Dapat ganito ang itsura ng pahina.
Ngayon, pindutin ang button na ‘Download Chrome.’
Step 2:
Ililipat ka ng button sa Chrome Web Store upang idagdag sa Chrome ang Web Browser Extension.
Pindutin ang ‘Add to Chrome’ para i-download.
Ang hakbang na ito ay dinadagdag ang extension ng Metamask sa iyong Chrome toolbar at sa kanang tuktok ng Chrome (ang icon ng Fox).
Step 3:
Pagkatapos ito ma-download, makikita sa setup screen ang dalawang (2) opsyon
Mag-import ng pangkasalukuyang wallet o mag-setup ng panibagong wallet.
Dahil bago bago palang tayo sa Metamask, pipindutin natin ang “Create a Wallet.”
Step 4:
Ang bahaging ito ay madaling unuwain. Sa susunod na hakbang, gagawin mo na ang iyong password.
Step 5:
Susunod, kuning ang iyong Secret Backup Phrase. Ito ang pinakamahalagang hakbang.
Itong 12-word seed phrase ay magbibigay ng daan sa iyo, o kung sinumang may alam nito, na mabuksan at magamit ang lahat ng iyong digital assets (cryptocurrency & NFTs).
Kaya WAG mong ibibigay ito kahit kanino.
Inirerekomenda ko na isulat ang iyong private keys sa isang pisikal na piraso ng papel, at itago ito sa ligtas na lugar.
Huwag itago ang prase sa iyong kompyuter.
Maaaring magkaroon ng access ang isang hacker sa pamamaraan ng paggamit ng Malware upang mag-spy sayo (Alam kong medyo nakakatakot. Tayo ay nasa kaarawan pa ng wild west ng crypto).
Kaya isulat ang iyong prase sa isang pirasong papel, at pumunta sa pinakahuling hakbang.
Step 6:
Congratulations! Natapos mo na ang installation.
Ngayon, pindutin ang “All Done” sa pahina ng kumpirmasyon.
Pagkatapos nito, i-rredirect ka ng button sa plataporma ng Metamask kung saan ka maaaring bumili, magpadala at magpapalit.
Gamit ang iyong Secret Backup Phrase, maaari mo ring buksan ang Metamask sa iyong mobile device.
I-install lamang ang Metamask mobile app sa App Store ng iOS, o kaya sa Google Play Store ng Android.
Ngayon na na-setup mo na ang iyong Metamask Wallet, tingnan natin kung paano natin po-proktektahan ang iyong mga coins.
Ngayon, gaya ng sinabi ko, maraming mga uri ng scam dito.
Kaya ipapakita natin ang maikling listahan ng mga magagandang kagawian upang mapanatiling ligtas ang iyong crypto.
Magsimula tayo sa pinakamagandang paraang para protektahan ang coins mo:
Paano ikabit ang iyong Metamask wallet sa isang Cold Wallet para hindi makuha ng hackers ang mga tokens mo…
(ikaw pagkatapos ng gabay na ito)
Ano nga ba ang cold wallet, at bakit ito ang pinakamagandang paraan para protektahan ang iyong crypto?
Ang cold wallet ay isang external wallet na pinapayagan kang itago ang crypto mo offline.
Isipin mo na para siyang digital na safe.
Dalawang halimbawa ng cold wallets ay ang Ledger at Trezor.
Ito ang pinaka-ligtas na paraan upang itago ang iyong crypto dahil ito ay offline.
Dahil may malware online, ang pagkakaroon ng malalaking halaga ng crypto sa Metamask wallet ay parang paglalakad kung saan-saan habang mayroon kang $5,000 sa iyong mga pitaka.
Kaya saklawin natin kung paano ikabit ang cold wallet sa iyong Metamask.
Step 1:
Una, pindutin ang bilog sa kanang sulok sa itaas ng iyong screen. Pagkatapos, piliin ang ‘Connect Hardware Wallet’.
Step 2:
Sunod, meron kang opsyon na ikabit ang Ledger o Trezor na cold wallet.
Kung mag-scroll ka pababa, may makikita kang sunod-sunod na gabay para ikonekta ang iyong Ledger or Trezor wallets.
Pwede ka rin mag-import ng ibang wallets sa pamamagitan ng pag-pindot ng ‘Import’ na tab sa gitna.
Ilagay mo lang ang iyong mga detalye sa blankong field, at pindutin ang ‘Import’.
Pag meron kang Ledger or Trezor wallet, pumunta na sa susunod na hakbang.
Step 3:
Ikonekta ang iyong hardware wallet patungo sa iyong kompyuter gamit ang USB port.
Step 4:
Dadaan ka sa mga i-ilang screen upang payagan ka ng Metamask na buksan at gamitin ang iyong Ledger or Trezor wallet.
Pagkatapos, piliin ang account na gusto mong itugma sa iyong Metamask wallet.
Step 5:
Ayun na!
Meron ka nang bagong account sa iyong Metamask wallet; at pwede mo nang ilagay at ilabas ang iyong mga coins na galing sa iyong cold wallet.
Kaya siguraduhin na tama ang account na pinipili kapag nagpapadala o tumatanggap ng crypto
Tatlo pang mga magagandang paraan upang protektahan ang iyong mga coins…
1. Mag-ingat ka sa mga link na iyong pinipindot.
i.e. Ang mga random na dumadaan sa iyong Discord/Instagram DMs na may mga link.
Ganito ang mga itsura nila:
Ang mga link na ito ay karaniwang humahantong sa mga pekeng exchange site.
O kaya mas malala, isang smart contract na ‘nag-aauthorize’ ng isang scammer para nakawin lahat ng laman ng iyong Metamask account.
Hindi magiging masayang araw iyon.
2. Bigyan ng maiging pansin ang spelling ng mga Web3 sites.
At paniguraduhing meron kang tamang address.
(Halimbawa, coingeckko.com vs coingecko.com).
3. Huwag magmayabang sa social media kung gaano karaming crypto ang meron ka.
Maliban kung gusto mong maging madaling target ng mga scammer.
At dito na natatapos ang guide na ito!
Congratulations. Ngayon alam mo na kung paano i-setup ang Metamask Wallet mo, at kung papaano mo p-protektahan ang iyong mga coins sa wicked wild west ng Web3.
Sana ang gabay na ito ay nagbigay ng maraming kalinawan at nasagot ang iyong mga pinakamalalaking katanungan.
Sa susunod muli.