Ano ang Metaverse at Bakit ang Paglalaro ang magiging Gateway para sa Mass Adoption
Ano ang Metaverse at Bakit ang Paglalaro ang magiging Gateway para sa Mass Adoption
On Agosto 5, 2023 by adminMaaaring ito ay parang science fiction ngayon, ngunit maghintay hanggang sa makita mo ang mga proyektong nakahanda para sa kinabukasan…
Bakit binago ng Facebook ang pangalan nito sa Meta? At bakit ang mga kumpanya tulad ng Sony, Epic Games, Roblox at marami pang iba na gumagawa ng mga metaverse ngayon?
Sa artikulong ito, wala tayong iiwan na mga posibleng pagsisikap. Kaya umupo ka muna, mag-relax, at pag-usapan na natin kung bakit ang gaming ay importante sa adoption ng metaverse.
Ano ang Metaverse?
Si Neil Stephenson ay gumawa ng pangalan na Metaverse sa kanyang 1992 science fiction na nobelang ‘Snow Crash’. Ngunit narito ang ibig sabihin namin kapag tinutukoy natin ito:
Ang metaverse ay isang single, unibersal, at nakaka-engganyong mundo na ginawang possible, kadalasan pero hindi palagi, sa pamamagitan ng virtual na realidad at mga headset na augmented ang realidad. Isa itong lugar kung saan ang mga tao ay pwedeng magtrabaho, maki-halubilo at laruin bilang ‘avatars’ (digital na representasyon ng kanilang sarili.)
Ang VR, o virtual reality ay tumutukoy sa mga digital na espasyo na naa-access sa pamamagitan ng hardware tulad ng Oculus headset.
Ang mga headset na ito ay gumagamit ng mga camera na may espesyal ng teknolohiya sa lens at mga kontroller na motion tracking upang lubusang ilubog ka sa kanilang mga digital na mundo; kung saan ang mga kagamitan ay maaaring mag mukhang totoo kahit na hindi talaga.
AR, o augmented reality ay isang similar ngunit ibang teknolohiya na nagbibigay sa mga digital na kagamitan patungo sa totoong buhay, na kung saan minsan ay hindi kailangan ng headset para magawa.
Ang Pokemon Go ay isang halimbawa ng AR…
Nakakasunod ka pa ba?
Kaya ang mga kumpanya tulad ng Sandbox, Decentraland, Meta at iba pa ay naguunahan upang gumawa ng kauna-unahang Metavase na nakakakuha ng mass adoption… at ginagawa nila ito sa pamamaraan ng mga laro sa Metaverse.
At ang mga larong ito ay hindi lamang magiging masaya…
Gagamit sila ng blockchain na teknolohiya upang payagan ang mga manlalaro para mag may-ari ng mga bagay tulad ng lupa, mga masusuot, NFTs… at pwede pa ngang kumita ng libreng pera sa metaverse.
Kaya ba ng Metaverse na Gawing Tayong Lahat na Gamers?
If sinabi mo sa taong nasa 1950 na ang two thirds ng mundo ay mag-aadopt sa internet, titingnan ka nilang parang may tin foil sa taas ng ulo mo!
Pero tingnan kung nasaan na tayo ngayon.
Karamihan satin ay gumagastos na ng ilang oras sa mga virtual na mundo (social media, zoom calls, games)…
Kaya ang metaverse ang susunod na hakbang.
Sa halip na manood ng konsiyerto sa pamamagitan ng Youtube Live, maaari kang dumalo sa kanilang konsiyerto sa metaverse.
Parang noong oras na nagpa-concert si Justine Bieber sa metaverse…
Sa halip na sumali sa isang silid para sa makinig sa Twitter, maaari kang pumasok sa digital na conference room bilang avatar sa metaverse.
At sa halip ng paggagawa ng mga meetings sa Zoom, pwede kang magkaroon ng boardroom meeting sa metaverse.
Papaano nakakapag-benefit ang paglalaro ng mga games sa metaverse
Tinalakay ko lang ang ilang paraan kung paano mo mapapakinabangan ang metaverse…
Pero ang isa sa mga pinaka-popular na benepisyo ay ang konsepto ng digital ownership.
Sa metaverse, nagmamay-ari ka ng mga lupa, mag masusuot, structures, pets at iba pa.
Pag-uusapan pa natin ang mga mas tiyak na halimbawa sa isang minuto…
Ngunit sa mga laro tulad ng Axie Infinity, The Sandbox, at Decentraland, maaari kang kumita ng pera sa paglalaro, pagrenta, at pagbabahagi ng iyong mga digital na nilikha sa iba ngayon.
Pwede bang maging future ng gaming ang Metaverse?
Kahit na karamihan ay bukas sa ideya ng isang metaverse, maraming mga manlalaro ang nag-aalinlangan.
Karamihan ay gusto lamang ng good old fun na paglalaro ng mga gold old fun na mga laro na walang “play to earn”.
Magkakaron ng lugar para doon sa metaverse. Pero masyado pa tayong maaga.
Habang ang mga metaverse na laro ay mas lalong sumasaya, natural lamang na mas maraming manlalaro ang mag-aadopt sa kanila, dahil…
Anong gamer ang AYAW na mabayaran para maglaro ng kanilang mga paboritong laro?
Ang tanong ay kailan kaya magiging masaya ang mga larong ito para kumupkop ng mas maraming manlalaro?
Walang nakakaalam ng eksakto.
Ngunit sa pansamantala ang Sony, ang mga tagagawa ng PlayStation, Epic Games, ang gumawa ng Fortnite at iba pang malalaking kumpanya ay nagtatayo lahat sa Metaverse.
Ang mga NFT ay gaganap ng pangunahing papel sa metaverse
Sa kabila ng lahat ng kasikatan na nakukuha ng non-fungible tokens (NFTs) sa mundo ng gaming, hindi maikakaila ang kanilang utility:
Pinapayagan ng mga NFT ang pagmamay-ari sa metaverse.
Sa kanila, ang mga manlalaro ay maaaring mag may-ari ng piraso sa kanilang paboritong laro…
Makipag-trade sa mga ibang manlalaro sa ligtas na paraan…
At kahit na bumuo pa ng mga negosyo sa metaverse sa pag-leverage ng NFTs
Magbabahagi ako ng ilang halimbawa nito ngayon.
Mga kilalang halimbawa ng desentralisadong paglalaro
Decentraland
Ang Decentraland 3d virtual world ay kung saan ang mga tao ay pwedeng gumawa at mag-customize na kanilang mga sariling avatar, mag may-ari ng lupa, maglaro ng mga laro, dumalo sa mga live events at makipaghalubilo sa mga ibang manlalaro.
90,000 plots ng lupa lamang ang iiral sa metaverse na ito.
Ang mga land owner ay pwedeng magtayo, o magparenta ng kanilang mga lupa para sa paggamit ng iba na parang real estate.
Pwede kang kumita ng MANA (the native currency) sa pamamagitan ng renta, casino, o kaya magbenta pa ng mga ticket sa mga virtual na konsiyerto.
Sa desentralisado mundo, walang governing na awtoridad na gumagawa ng mga tuntunin.
In this decentralized world, there’s no governing authority that makes the rules. Sa halip, pagmamay-ari ng komunidad nito ang laro at sama-sama nitong binubuo ito.
The Sandbox
Ang Sandbox ay isa pang 3d virtual reality na mundo na ginawa ng mga dating empleado ng EA, Sony and Ubisoft.
Sa unang tingin ay mukhang similar ito sa Minecraft…
Pero sa mundong ito, ang mga manlalaro ay nabibigyan ng premyong pera para sa kanilang pagiging malikhain.
Merong 166,464 na natatanging mga pirasong lupa na magagamit sa metaverse na ito.
Ang mga owner ng lupa ay pwedeng gumawa ng mga bagay tulad ng museums, art galleries sa kanilang mga plot. At piliin na i-monetize ang karanasan na ito sa pamamagitan ng pag-charge ng mga admission fee sa mga bisita…
Pwede ka rin mag-host ng mga live event; mga rapper tulad ni Snoop Dogg ay nakapag-host na ng mga pribadong party sa Sandbox…
Merong tool na tinatawag na VoxEdit na pinapayagan ang mga user na gumawa ng mga avatar, vehicle, plano, hayop, kagamitan, at iba pang mga bagay.
Pwede mo itong ibenta sa marketplace para sa SAND (the native currency)…
At gumawa ng mga 3d games sa mundong ito na hindi kinakailangan gumamit ng code sa pamamagitan ng tool na tinatawag na Gamer Maker.
Axie Infinity
Ang Axie Infinity ay isang 2d play-to-earn battle royale na may sistemang battle na similar sa Pokémon.
Nagmamay-ari ka ng mga alagang hayop na tinatawag na Axies na pwede mong i-customize, palaguin, at iharap laban sa isa’t isa para sa SLP (Smooth Love Potion)…
At pwede ka ring mag-deposit ng SLP patungo sa iyong Ethereum wallet.
Kailangan ay may-ari ka ng 3 Axies upang makalaro. Pagkatapos nito ay pwede ka nang mag-breed, makipag-palit, i-customize, o ibenta ang mga Axies mo.
Ngunit maraming manlalaro mula sa mga umuunlad na bansa ang gumagamit ng Axies ng ibang tao at hinahati ang kanilang mga kita sa may-ari…
May mga opsyon din tulad ng Joystick na pinapayagan kang itago ang 100% ng iyong kita.
Sa kasagsagan nito, kumikita ang ilang manlalaro ng $1,500-$2,500/mo sa paglalaro ng Axie Infinity.
Konklusyon
Sa oras ng pagsusulat nito, tayo ay nasa maagang yugto pa ng mga metaverse.
Kaya kung gusto mong malaman ang tungkol sa mga metaverse na laro, ito ang perpektong oras para gawin ang iyong pananaliksik, laruin ang mga larong ito, at makisali sa mga komunidad.
Ang mga maagang gumagalaw sa kahit ano mang industriya ay siyang mag-aani ng pinakamalaking gantimpala…
Pansamantala, umaasa akong na-demystify ng artikulong ito ang Metaverse para sa iyo.
Mag-iwan ng palakpak kung nakita mong nakakatulong ito.
Hanggang sa muli!