Ano ang blockchain gaming at papaano ito gumagana?
Ano ang blockchain gaming at papaano ito gumagana?
On Hulyo 17, 2023 by adminNagbubuhos ka ng maraming oras patungo sa mga karanasan mo sa paglalaro… naglalaan ng oras at pera upang mag-level up, mangolekta ng mga rare items at pagbuo ng iyong katayuan sa mga fantasy realm na iyong pinipili. Ginagawa natin ang lahat… at ano ba ang maipapakita natin pag oras na mag move on sa susunod na adventure?
WALA.
Huwag i-stress ang pag-iisip sa lahat ng mga oras na ginamit mo sa paghihirap para sa wala… nagbabago na ang panahon!
Kaya ano nga ba ang Blockchain Gaming?
Ang blockchain game ay isang uri ng video game kinabibilangan ng mga elemento gamit ang mga blockchain technology na nagbibigay pagmamay-ari sa mga manlalaro sa pamamagitan ng NFTs
Ipinakilala na ang blockchain gaming sa kakayahang kumita ng totoong pera sa pamamagitan ng paglalaro ng video games, at ang industriya ng video games ay hindi na makakakita ng parang ganito.
Hindi kami narito para makibahagi, narito kami para pumalit
Ang Play to Earn (P2E) o Play & Earn (P&E) ay mga konsepto kung saan ang isang laro ay nagbibigay sa mga manlalaro ng pagkakataong kumita ng in-game currency or NFT assets na pwedeng ilipat sa totoong mundo para sa totoong pera
Sa mabilis na pag-unlad ng tech araw-araw, isang malaking pagbabago ang nagaganap sa industriya ng gaming. Sa lalong madaling panahon ay ang mga laro sa bawat genre ay mag-aalok sa mga manlalaro ng kakayahang kumita ng pera na makakapagbago ng buhay.
Noong nakaraan, ang mga laro ay nilalaro sa pamamagitan ng paglagay ng mga barya patungo sa malalaking makina sa espesyal na gaming arcades. Habang umuunlad ang teknolohiya, nagbabayad tayo para magdala ng mga laro sa ating mga bahay tulad ng mga console na Nintendo, Playstation, Xbox, at kompyuter na pambahay. Kamakailan lamang, ang paglalaro sa smartphone ay inilagay ang “Free2Play” na mga laro sa palad ng ating mga kamay, para lahat ay may kakayahang maglaro kahit saan pa man sa mundo.
Inilipat ng blockchain ang kakayahan sa mga manlalaro
Ayon sa mga lumang kaugalian, ang mga game developer ng mga video game ang gumawa ng lahat ng mga tuntunin — at lahat ng pera. Sa tulong na ibinigay ng blockchain, ang crypto ay epektibong nagbibigay sa mga manlalaro ng pagkakataong makabuo ng kita sa paglalaro. Lumilikha ng mga halaga ang mga manlalaro para sa in-game ecosystem at sa komunidad nito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, paglalaro at pagsasali sa laro.
Sa paggawa nito, kumikita sila ng mga asset para sa kanilang kontribusyon sa mundo ng laro. Ang mga digital game assets na ito ay maaaring magmula sa mga coins hanggang sa mga armas o rare items na na-tokenize bilang non-fungible tokens (NFTs) sa blockchain. Bilang resulta nito, ang mga manlalaro ay pwedeng ibenta ang kanilang tokens o NFTs para sa totoong pera, at ang Play to Earn/Play & Earn na business model ay umiral.
Ang mga maliliit na monsters na nanguna
Isa sa mga lider ng modelo ng P2E ay ang Axie Infinity. Sa larong ito, ang mga Axie ay mga cute at maliliit na hayop na nakukuha at pinapalaki ng mga players, at ginagamit sa mga laban upang kumita ng mga premyo. Ang bawat Axie ay isang NFT (na itinayo sa plataporma ng Ethereum), ibig sabihin ay isang one-of-a-kind digital collectible ito na pwedeng ibenta o i-trade para sa kitang pera sa totoong mundo
Sa isang punto, ang mga tao sa Pilipinas ay kumikita ng $1,500-$2,000 kada buwan sa digital cryptocurrencies sa paglalaro lamang ng Axie Infinity. Karamihan sa Vietnam ay umalis na rin sa kanilang full-time na trabaho dahil nagkaka-ipon sila ng malaking halaga na pera at maginhawa sa kanilang mga sala.
Ang mataas na hadlang sa gastos ay humahantong sa isang modelo ng scholarship
Maaaring umabot ng libo-libong dolyar upang makakuha ka ng iyong sariling gaming team…Kaya paano nga ba nakakapasok dito ang mga hindi gaanong mayayamang tao? Ang mga investor o whale ay maaaring magpahiram ng kanilang mga asset sa pamamagitan ng mga iskolarship programs, para ang mga manlalaro ay makakalaro at lahat ay makakakita ng pera.
Karaniwan ay ang mga iskolar ay naghahati ng mga kita mula 30-60$ na napupunta sa supplier ng mga asset. Ito ay nagbubukas ng mga oportunidad sa isang bagong modelo ng investing at pagbuo ng isang team. Walang oras para maglaro? Maglaan ng pera at bayaran ang mga tao maglaro para sa iyo.
Oras na para mabayaran habang naglalaro
Ang Axie Infinity ay isa lamang tip ng iceberg… marami pang mga blockchain games ang lumalabas kada araw, at mas marami pa ang mga nasa development. Lumalagpas na sa $2.5 billion ang NFT Sales sa 2021 at ang bilang na ito ay nakatakdang lalaki pa ng husto dahil sa mga panibagong NFT games na dumadagsa sa merkado.
Ang paglago sa blockchain tech at pagmamay-ari ng NFTs ay nagbibigay ng daan para sa mas marami pang magandang revenue streams sa loob ng industriya ng blockchain gaming. Ang mga nakahanda ng maayos ay may pagkakataon na maghanap ng henerasyong kayamanan at kalayaan.
Huwag kang magpapaiwan!