Ang Katotohanan sa mga NFTs na nasa Video Games
Ang Katotohanan sa mga NFTs na nasa Video Games
On Setyembre 18, 2023 by adminPag-usapan natin ang:
– Bakit kontrobersyal ang mga NFT sa gaming?
– Scam ba ang mga NFT?
– Gayundin: Paano gagawing mas masaya ang mga laro ng blockchain?
Magsimula tayo kung ano nga ba ang hindi sila.
Ang mga NFTs ay hindi lamang .jpeg na pinipindot upang i-save sa iyong kompyuter.
Ang NFT ay maaaring maging kapirasong lupa, isang eksklusibong all-access pass, isang digital na karakter sa metaverse, at simula lamang iyon.
Mas uunawain natin sa iilang sandali…
Ang NFT ay may kahulugang non-fungible token.
Ang isang bagay na fungible ay maaaring ma-doble, parang isang dolyar.
Ngunit ang bagay na non-fungible ay nag-iisang bagay lamang. Parang isang orihinal na piraso ng artwork.
Ang teknolohiya ng Blockchain ay pinapayagan tayong gumawa ng orihinal na bagay digitally.
Ang blockchain ay gumaganap bilang isang “pampublikong rekord” at ipinapakita kung sino ang nagmamay-ari ng NFT mula noong nilikha ito.
Ito rin ay hindi nababago– na nangangahulugang walang sinuman ang maaaring baguhin o kopyahan ang mga bagay dito.
Kaya ang mga NFTs ay mas sumikat sa mundo ng art– ang mga digital artist ay maaaring gumawa ng art sa blockchain at ibenta ang orihinal.
Pero ngayon, ang NFTs ay mas sumisikat sa mundo ng gaming.
Kaya pag=usapang natin ang blockchain games.
Mas iintindihin natin ang kanilang gamit sa ilang segundo, pero ngayon, mas unawain natin ang pinakamalaking isyu rito:
Ang NFTs ay ang isa sa mga pinakakontrobersyal na pinag-uusapan sa komunidad ng gaming ngayon.
Maraming rason dito.
Maraming manlalaro ang nalilito kung papaano mapapabuti ng NFTs ang karanasan ng paglalaro…
Nakikita ito ng ilan bilang isa sa mga pamamaraan upang makakuha ng pera ang mga gaming companies.
Isang reddit commenter ay inilahad ito ng maayos:
“Wala akong pakialam sa pagmamay-ari ng mga asset ng laro, o pagkakaroon ng mapagkukuhanan ng pera, pagpopondo ng mga indie, pagkuha ng mga gamit mula sa isang laro patungo sa ibang laro o trading. Gusto ko lang magsayang ng oras sa pagsasaya sa isang masayang laro. Sa aking pagkaka-alala, ang mga bagay na crypto ay isang iresponsableng pag-aaksaya lamang ng resources at enerhiya.”
Naririnig namin iyon nang malakas at ng malinaw.
Ngunit mayroon isang katotohanan tungkol sa mga larong blockchain na hindi pinapansin ng nakakarami…
Ang mga laro na ito ay maaga pa sa development.
Alam mo ba na ang Legend of Zelda Breath of the Wild ay tumagal ng mahigit 5 na taon upang magawa?
Ganito ang karamihan sa mga magagandang laro.
Upang mailagay ito sa mabuting pananaw, CryptoKitties lamang ang isang laro sa blockchain na nananatili ng limang (5) taon!
Ang mga magagandang laro ay tumatagal ng ilang taon upang mabuo at umiral. At ang mga laro ng blockchain ay hindi naiiba.
Ngunit sa patuloy na paglabas ng mga laro ng mga marketers sa patungong iba’t ibang direksyon…
Hindi nakakagulat na mayroong ganitong karaming pushback mula sa mga manlalaro.
Ang karera sa kauna-unahang AAA na titulo ay isinasagawa pa rin (Valorant, or Call of Duty na kalidad na mga laro).
Baka nga mas magaling pa sila.
Ang mga manggagawa sa likod ng Assasins Creed, Dead Or Alive at mga iba pa ay nag-eeksperimento gamit ang mga NFTs.
Kaya pag-usapan nating ang NFTs.
Maraming pag-uusapan sa play-to-earn; Dahil ang katangian na ito ay ginagawang realidad ang bawat pantasya ng pagkabata ng mga manlalaro:
Binabayaran ka upang maglaro ng video games.
Ngunit hindi tulad ng mga larong blockchain ngayon na puro play-to-earn…
Ang mga future na laro ng blockchain ay umiikot sa isang rebolusyonaryong idea:
Pagmamay-ari.
Sa tradisyonal na gaming, ang kumpanya ay ang may-ari ng lahat ng assets.
Naghihirap ka para sa mga gamit, in-game currency, skins, mga bagay, mga karakter, at mga piraso ng lupa… pero hindi ikaw ang may-ari ng mga ito.
Sa ibang salita, wala kang maipapakita sa 100+ na oras na binuhos mo sa mga paborito mong laro.
Ngunit tandaan mo noong sinabi ko na ang NFTs ay papayagan kang magkaroon ng isang kakaibang digital na bagay, karakter, at piraso ng mga lupa at iba pa?
Isipin mo na nagmamay-ari ka ng isang armas sa Call Of Duty.
Kaya kung nagsara ang prankisa bukas, ang mga armas mo ay nasa gaming wallet mo pa rin.
Ito ay nagdadagdag ng panibagong dimension ng investment, reward, at katotohanan sa mga laro.
Ang mga game developer ay nag-iisip pa rin ng paraan kung papaano mo dadalhin ang mga skins, armas at karakter sa pagitan ng mga metaverse.
Halimbawa, mahal mo ang skin mo sa Rainbow Six Siege? Isipin mo na pwede itong magamit sa iba pang first-person shooter games…
Maaari ka ring lumahok sa mga eksklusibong drop ng NFTs.
Isipin mo na nagmamay-ari ka ng limited edition na ispada sa Assassin’s creed…
Tapos yung favorite streamer mo ay nanalo sa tournament gamit ang parehas na armas na iyon?
Para iyong pagmamay-ari ng glove ng paborito mong boxer na ginamit sa isang malaking laban.
Maaari ring kaming gumawa ng mga mapagkumpitensyang laro na may kakaiba at kapana-panabik na financial risks at rewards salamat sa mga teknolohiya…
At patuloy na natutuklasan ng mga developer ang mga panibagong gamit na magbubukas ng panibagong mundo ng gaming.
Pero muli, maaga pa tayo.
Yon ang rason kung bakit ang NFTs ay kontrobersyal…
Parang kalahati ng komunidad ng gaming ay nag-ccringe sa pagkasabi ng salitang ito.
Ngunit narito ang kawili-wili:
Maaaring hindi na tawaging NFTs ito ng mga game developers sa hinaharap na kinabukasan.
Malamang iba na ang itatawag sa mga ito; Tulad ng mga in-game currencies na tinatawag na “COD Points” o “V-Bucks”.
Kaya maaaring hindi na alam ng mga manlalaro na nakikipag-ugnayan nsa sila sa mga NFT sa future blockchain games.
Magiging masyado silang busy sa pagsasaya!
Habang kontrobersyal ang mga NFT ngayon…
Kapag mas lumalago ang edukasyon, nabubuo ang mga komunidad, at ang mga Triple-A blockchain na laro ay lumabas…
Parami nang parami ang mga dumarating na manlalaro.
Ito ay mga kapana-panabik na oras, at tayo ay maaga pa…
Kaya enjoy the ride.