Ang 12 na Pinakamahusay na Larong Play-to-Earn Noong 2022
Ang 12 na Pinakamahusay na Larong Play-to-Earn Noong 2022
On Setyembre 3, 2023 by adminHalos hindi ka makakapaniwala kung gaano kasaya ang iilan sa mga larong Play-to-Earn…
At na maaari ka pangmabayaran upang maglaro ng mga laro na ginawa ng mga developer mula sa Call Of Duty, Fortnite at Ubisoft…
Ngunit suspindihin ang iyong kawalang-paniwala sa isang sandali.
Dahil sa dulo ng artikulong ito, hinuhulaan kong aalisin mo ang lahat, at kunin ang kahit isa sa mga larong Play-to-Earn.
Ano ang mga Play-to-Earn na Laro?
Ang mga larong Play-to-Earn (o blockchain games) ay mga panibagong uri ng laro na binibigyan KA ng reward para maglaro.
Ang mga larong ito ay pinapayagan ka na mag may-ari ng mga gamit mo in-game (tulad ng mga karakter, skins, at armas)…
At kumita ng mga crypto coins para sa paglalaro.
Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabago ng mga in-game na gamit patungo sa isang tradable na NFT.
Ngunit karamihan sa mga larong nasa listahan na ito ay libre laruin.
Ang mga P2E na laro ay sikat sa mga developing countries tulad ng Brazil and Pilipinas
Ang ilan ay umalis pa sa kanilang mga trabaho!
Dahil kumikita sila habang nagsasaya pa sa paglalaro ng mga masasayang laro.
Alam ko, maganda masyado pakinggan upang sabihin na totoo. Ngunit ito ay 100% legit.
Ang mga game developers na galing sa Zynga games, Atari, Ea, Ubisoft, Fortnite at iba pa ay gumagawa ng mga masasayang Play-to-Earn na laro…
At hangga’t armado ka ng tamang edukasyon (tulad ng kung paano gumamit ng crypto wallet), magagawa mo rin ito.
Mga Uri ng Play-to-Earn na Laro
- Mga Larong Metaverse tulad ng Decentraland o The Sandbox…
- Mga larong estratehiya tulad ng Plants vs. Undead o Axie Infinity…
- Mga larong karera tulad ng Silks, Riot Racers, o Pegaxy (isang laro na karerahan ng kabayo)…
- Mga Multiplayer Online Battle Arena tulad ng Thetan Crush o Planet Quest…
- Mga Larong Pang i-Sports tulad ng o Blockchain Brawlers…
- Mga Larong Trading Card tulad ng Gods Unchained o Splinterlands…
- Mga Larong Adventure tulad ng Alien Worlds o Zeal…
- At Mga Puzzle Games tulad ng Quantum Nosesis o Town Crush…
Mga Benepisyo ng Play-to-Earn Games
Nagbubuhos ka ng daan daang oras patungo sa iyong mga paboritong laro at ano ang maipapakita mo para ron?
Sa mga larong Play-to-Earn, MAGKAKARON ka ng bagay na pwedeng mong ipakita.
Sa mga larong to, magmamay-ari ka ng mga skins, karakter, at armas.
Pwede mo rin ibenta ito sa mga ibang manlalaro…
At kumita ng crypto.
Sa ibang mga salita…
Kapag nag-level up ka at nakakuha ng mga kasanayan sa mga larong ito…
May halaga ito SA TOTOONG BUHAY.
Ngayon pumunta na tayo sa mga magagandang bagay.
Ito ang mga listahan ng mga pinakamahusay na mga larong Play-to-Earn na pwedeng laruin sa 2022…
Ito ang mga 12 na Larong Exciting na Play-to-Earn sa 2022
1. Illuvium
Ang Illuvium ay high production, larong role-playing na ilalabas sa huling bahagi ng 2022 o unang bahagi ng 2023.
Ikaw ay isang mangangaso mula sa isang kolonya ng space na bumagsak sa isang dayuhan na planeta. At mag-eexplore ka para malaman kung ano ang nangyari sa planetang ito.
Nag-mimina ka, at lumalaban ng mga ligaw na parang deity na halimaw na tinatawag na Illuvials at huhulihin sila gamit ang mga shards (na parang Pokéballs)…
At ang laro ay nagiging autobattler kapag nakikipalaban ka sa mga ibang kampon ng Illuvials (parang kung papaano nagiging turn-based na laro ang Pokémon kapag nakikipaglaban ka).
Dito pumapasok ang kasanayan at diskarte.
Ang bawat Illuvial na nahuhuli mo ay ari-arian mo na at walang makakakuha nito sayo.
Pwede mong ibenta ang mga Illuvial mo sa IlluviDEX para sa Ethereum.
O kaya ipa-level up at ipa-evolve mo sila.
Magkakaron ng opsyon na free to play na walang nakakabit na pera na kasing saya lang ng bayad na bersyon…
At isang online ranked na arena kung san makakalaro ka laban sa mga ibang manlalaro sa buong mundo.
2. Big Time
Ang mga manggagawa sa likod ng larong PC na ito ay nakapag-ambag sa mga laro tulad ng Fortnite, Call of Duty at Overwatch…
Ang Big Time ay isang free-to-play, multiplayer na action RPG game na may mabilisang aksyon na labanan at adventure.
Nakikipag kampihan ka sa mga ibang manlalaro upang mag-explore at makipaglaban sa pamamagitan ng oras and space.
Manghuli ng mga halimaw…
Palamutihan ang iyong avatar at personal na time machine gamit ang mga NFT.
Pwede kang kumuha ng mga rare na NFT loot at mga token habang nakikipag-laban and tumatalo ng mga kalaban.
Mangolekta ng mga in-game na mga gamit at token.
Gumawa ng mga NFT, o mag-hang out kasama ang mga kaibigan.
Magiging libre na to laruin kapag nilabas sa Q1 2023.
Gayunpaman, maaari kang bumili ng early access pass sa Open Sea, pumunta sa NFT Marketplace ng Big Time at bumili ng pass, o manood ng mga streamer sa Twitch at makakuha ng mga libreng Ruby pass.
3. Star Atlas
Ang Star Atlas ay isang metaverse-meet-crypto space exploration na laro.
Isa pa tong high production na laro. At ginawa upang maging umuunlad na metaverse kung saan ang mga manlalaro ay pwedeng maging space travelers, mga ihinyero, mga siyentipiko, aviators, at iba pa.
Ang mga manlalaro ay pwedeng sumali sa 1 of 3 na mga pangkat, at gumawa ng mga guild na lumalakbay sa mga spaceships upang angkinin at minahin ang mga planeta para sa mga kayamanan
Merong dalawang modes na pwedeng pagpilian: PvE (Manlalaro vs. Environment) at PvP (Manlalaro vs Manlalaro).
ATLAS ang in-game currency na ginagamit para sa mga transaksyon at mga misyon in-game.
4. Blankos Block Party
Ang Blankos ay free-to-play, na isang multiplayer na laro na nagbibigay ng premyo sayo para sa iyong pagkamalikhain.
Pwede ka mag -design ng sarili mong karanasan sa laro at mga mini-games para laruin ng iba…
Tapusin ang mga quest upang kumita ng in-game currency (MLA), at i-accessorize ang sarili mong mga Blankos na karakter (Blankos).
Ang mga Blankos ay minted bilang NFTs na pwedeng ibenta sa pamamagitan ng marketplace ng laro.
5. Guilds Of Guardians
Ang Guild of Guardians ay isang mobile, multiplayer, fantasy, action na RPG kung saan ang mga manlalaro ay gumagawa ng kanilang dream team ng ‘Guardians’ at nakikipaglaban sa isang guild upang kumita ng mga premyo.
Sa larong ito ay sumusulong ka sa mga dungeon, at kada-dungeon ay may level na kakaiba.
May mga halimaw, boss, trap… at marami pang iba!
At ang pagtatapos ng mga dungeon na ito ay magbibigay sayo ng mga yaman, currency, at kagamitan.
Ang mga gem ay ang in-game currency, at may halagang tunay na pera. Pwede mo rin ito ipagpalit sa iba sa mga ibang manlalaro.
Pwede ka gumamit ng mga gems upang makuha/pagandahin ang mga bayani, at gumawa ng mga kagamitan.
Tinutulungan ka nito na tapusin ang mga susunod na hanay ng mga hamon.
Kaya kapag mahilig ka sa mga tulungan, multiplayer na laro, ito ay isang masayang free-to-play na laro
So if you like collaborative, multiplayer games, this is a fun free-to-play game.
6. Splinterlands
Ang Splinterlands ay isang play-to-earn na larong trading card na nagiging mas exciting habang pinapalaki mo ang iyong deck.
Makakatanggap ka ng limitadong numero ng mga trading cards para magsimula ng libre.
Pwede mong gamitin ang mga card na ito para makipaglaban sa mga halimaw at masubukan ang laro.
DEC (Dark Energy Crystals) ay ang main currency ng laro.
Ang mga manlalaro ay pwedeng kumita ng DEC sa pamamagitan ng pagkapanalo laban sa mga kalaban, pagtanggap ng mga reward chests, at pagraranggo sa mga lingguhang paligsahan.
Kapag gusto mo kumita ng mga premyo, kailangan mo ng Summoner’s Spellbook (around $10)
Kung ayaw mong bumili ng mga card, maaari kang umarkila ng mga high-level na cards mula sa mga rental market upang mapataas ang iyong antas.
Habang tumataas ang iyong level, ina-unlock mo ang mga kakayahan ng card na makakatulong sa iyo kumpletuhin ng mas mabilis ang pagkakakita ng mga premyo.
7. Gods Unchained
Ang Gods Unchained ay isa pang free-to-play na tactical card na laro na pinapayagan kang mag may-ari ng mga car at mag-mint ng mga panibagong card bilang NFTs.
Pwede kang gumawa ng account sa kanilang website at tumanggap ng welcome deck ng cards. At gamitin ito upang maging pamilyar sa laro.
Ang welcome set ay naglalaman din ng core cards na pwedeng ipagsama sa Meteorite na NFT Cards.
Pwede mong ibenta ang mga NFT card sa marketplace, o ipagpalit ito sa mga ibang manglalaro.
Kikita ka ng mga premyo sa expansion packs kapag nagranggo ka sa laro…
At kumita ng pinakamalaking premyo sa mga in-game na event.
And earn the biggest rewards from in-game events.
Ang Gods Unchained ay gumagamit ng native token nila na token GODS.
Ang mga manggagawa ay dinesenyo ang laro upang ikaw ay maka-angat ng ranggo gamit ang mga basic cards na hindi kinakailangang gumastos masyado.
8. The Sandbox
Ang Sandbox ay isang free to play na virtual reality na mundo na binuo ng mga dating empleyado ng EA, Sony at Ubisoft.
Isa pa itong laro na binibigyan ka ng premyo para sa iyong pagiging malikhain.
Merong 166,464 na kakaibang piraso ng mga lupa sa metaverse na ito. At ang mga may-ari ng lupa ay kaya gumawa ng mga bagay tulad ng museo, art galleries sa kanilang mga plots…
Pwede ka ring mag-host ng mga live event tulad ng mga pribadong party o concert sa Sandbox. At piliin kung i-momonetize ang experience na ito sa pamamagitan ng admission fees sa mga bisita.
Merong malikhaing tool na tinatawag na VoxEdit na pinapayagan kang gumawa ng mga avatar, vehicle, plano, hayop, gamit, at iba pang mga kagamitan…
Isang marketplace na pwede mong ibenta ang mga ito para sa (ang native currency)…
At ang tool na tinatawag na Gamer Maker na pinapayagan kang gumawa ng mga larong 3d na hindi kinakailangan ng code!
9. Decentraland
Ang Decentraland ay isa pang free to play metaverse na pinapayagan kang mag may-ari at gumawa sa isang virtual na real estate.
Ang mga may-ari ng lupa ay pwedeng magtayo o magparenta ng kanilang lupa para sa kagamitan ng iba.
90,000 pirasong lupa lamang ang umiiral sa metaverse na ito.
Pwede kang kumita ng MANA (the native currency) sa pamamagitan ng renta, mga casino at pati na rin ang pagbebenta ng mga ticket para sa mga live events tulad ng mga virtual na concert na nangyayare sa Decentraland.
Pwede ka rin gumawa ang mag-customize ng sarili mong avatar…
Mag-laro ng mga laro.
At makipaghalubilo sa mga ibang manlalaro.
Ito ay isang decentralized na platform, kaya walang namamahala na awtoridad na gumagawa ng mga batas.
Sa halip na ito, ang komunidad ang nagmamay-ari ng laro at ginagawa ito ng sama sama.
10. Crypto Blades
Ang CryptoBlades ay isang online na role-playing at fighting na laro na pinapayagan kang mag-level up at gumawa ng magandang kagamitan.
May apat na elemento rito: lupa, apoy, kidlat at tubig…
Ang lahat ng mga karakter, armas at kalaban ay itinalaga sa isang parte. At ang mga elemento ay umaangat o bumababa ang pagkakataon ng tagumpay sa laban.
Ang SKILL ay ang pangunahing token ng CryptoBlades.
Kumikita ka ng SKILL galing sa mga boss, staking, PVP at mga raid…
At gumagamit ka ng SKILL upang kumuha ng mga karakter, mag-forge ng mga armas at kumuha ng mga bilihin.
Pwede ka ring makipagpalitan ng mga karakter at mga armas sa marketplace.
11. Thetan Arena
Ang Thetan Arena ay isang MOBA style na laro tulad ng League of Legends o DOTA 2.
Pwede mo itong i-download ngayon sa iOS.
Hindi mo kailangan mag bayad ng kahit ano upang laruin ang larong ito. Ngunit kapag bumili ka ng NFT, mabibigyan ka ng premyong Thetan coins pagkatapos ng isang laban.
Ang mga heroes ay may iba’t ibang rarities at mga skins. Ang mas may kataasan na rarity ay nagbibigay ng mas maraming Thethan coins kada panalong laban.
Meron kang limitadong numero na laban kada araw. At kung mas maganda ang hero, mas maraming numero ng laban ang meron ka.
Kada hero ay mayroong lifetime na numero ng mga laban na pwede silang kumita ng Thetan coins…
Posible na kumita kahit naglalaro ka lang ng libre. Mabibigyan ka rin ng reward kapag umangat ka sa ranggo embes na kada panalo.
12. Axie Infinity
Ang Axie Infinity ay isang play-to-earn na battle royale na mayroong turn-based battle system na parang Pokémon.
Nagmamay-ari ka ng mga alagang hayop na tinatawag na Axies na pwede mong i-customize, palaguin, at iharap laban sa isa’t isa para sa SLP (Smooth Love Potion).
Kailangan ay may-ari ka ng 3 Axies upang makalaro (around $20 now).
Pagkatapos nito ay pwede ka nang mag-breed, makipag-palit at i-customize ang mga Axie mo.
Mayroong dalawang mga mode:Adventure and Arena.
Ang mga malalakas lamang ay makakaligtas sa mode ng Arena (ito ay isang PvP)…
Ang Adventure mode ay nirerekomenda para sa mga baguhan pa lamang. Pwede mong ipa-level up ang mga Axie mo sa pamamagitan ng mga daily quests. At kumita ng limitadong halagan ng SLP kada-araw.
Pwede ka ring kumita ng Axie Shards (AXS) sa Adventure mode.
Ang mga holder ng AXS ay pwedeng bumuto sa direksyon ng development ng laro. Ito ay nagsasama ng mga update, at paggagamit ng treasury ng laro.
Conclusion
Sa ngayon, umaasa ako na magsisimula ka pa lamang na makita ang potensyal ng mga Play-to-Earn games…
Kami ay nasa exciting na edad na kamo kung saan ang mga manlalaro ay inaawardad
Nasa exciting na panahon na tayo kung saan ang mga gamer ay mabibigyan na ng premyo para sa kanilang oras sa video games.
Ang industriya ay maliit pa, ngunit ito ay lumalago ng mabilis, at marami itong potensyal.
Kaya ngayon na ang magandang panahon upang pumasok na maaga, mag may-ari, at mabayaran sa pamamagitan ng paglalaro!