Ang mga Larong Web3 ay Para sa Lahat: Isang Kumpletong Pagpapaliwanag
Ang mga Larong Web3 ay Para sa Lahat: Isang Kumpletong Pagpapaliwanag
On Enero 12, 2024 by adminAng mga larong Web 3 ay isa sa mga pinaka-passionate na paksa sa mundo ng gaming ngayon…
Maaaring mahal o kinasusuklaman ito ng mga manlalaro. Ngunit ano nga ba ang “larong web3”? Pano ito gumagana? At pano KA magsisimula na laruin ang mga ito?
Makukuha mo ang lahat ng mga kasagutan sa dulo ng artikulong ito.
Magsimula na tayo.
Ano ang mga Larong Web3?
Para maintindihan kung ano ang mga larong web3, kailangan muna nating maintindihan kung ano ang web3…
At para maintindihan kung ano ang web3, kailangan natin intindihin kung ano ang web1 at 2…
Web1: Read
Ang Web1 ang kasimulaan ng internet at ng “digital era”.
Ito ang nagbigay satin ng mga search engine, email at mga website…
Ngunit ang mga kauna-unahang online na laro, na-dodownload na mga laro, at mga larong pang-CD ay para sa PC…
Sa Web1 pwede tayong tumingin, pero ang imprastraktura ay hindi pa nakalatag (para sa karamihan satin) para makagawa.
Web2: Read-Write
Ang Web2 ay ang era ng social media… ito ay tungkol lahat sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan
Sa web2, kahit sino sa mundo ay pwedeng magkaron ng boses, at magtayo ng audience sa isang centralized na lugar.
Ang era na ito ay nagbigay ng kasikatan sa mga streamers tulad ni Pewdiepie…
Pokimane…
Ninja…
At marami pang iba.
Pero mayroong tatlong malaking bahid sa web1 at web2 na teknolohiya: Pagmamayari, Kontrol, at Seguridad.
Halimbawa…
Ang mga plataporma tulad ng Youtube ay pwedeng kang i-censor, i-ban, o kunin ang account mo sayo…
At ganoon din ang Facebook, Instagram, and Tik Tok.
Ganito rin sa mga video games.
Halimbawa, sa Fortnite, ayon sa 2020 na sarbey, ang average na manlalaro ay gumagastos ng mahigit $100 sa mga skin…
Ngunit ang Fortnite pa rin ang nagmamay-ari ng mga skin na yon.
Bawal mo silang ibenta muli…
At kapag gusto ng Fortnite, pwede ka nilang i-censor, i-ban, at alisin ang iyong account.
Ang studio ang nagmamay-ari ng mga asset. Hindi ikaw.
Ang isa pang halimbawa nito ay ang isang lumang laro sa PC – Club Penguin.
Sa larong ito, ang studio ay pwede kang i-ban, alisin ang iyong mga digital na item, at ang iyong access sa membership kung hindi mo susundin ang kanilang mga panuntunan.
At kapag nag-expire na ang iyong membership… pati na rin ang iyong access sa lahat ng mga digital na item mo.
At andon na ang isyu sa seguridad.
Ang mga tao ay na-hahack sa internet (pati na rin sa mga video game) palagi…
…dahil ang internet ay idinisenyo upang maging bukas para sa lahat (ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ng antivirus software, mga firewall atbp.).
Kaya dito pumapasok ang web3…
Web3: Read-Write-Own
Ang Web3 tech ay nasa simula pa lamang, kaya hindi namin ito makikitang “sisikat sa internet” sa lalong madaling panahon …
Pero ang web3 ay dinisenyo upang lutasin ang ownership, kontrol at mga isyung privacy ng web2.
Pano? Sa decentralized, ledger-based na mga prinsipyo ng blockchain.
9 na paraang kung pano nagbibigay ng benepisyo ang web3 sa mga video game
- Pagmamay-ari mo ang iyong mga digital na asset – Hindi ng isang malaking gaming studio
- Nakaka-engganyong ‘metaverse’ na mga laro na may totoong stake
- Walang awtoridad ang makakapag-sensor, ban, or makakakuha ng mga digital asset mo
- Mga bagong oportunidad para sa mga eSports na gamer at streamer
- Gagantimpalaan ka para sa mga oras na ibinubuhos mo sa iyong mga paboritong laro sa mga token at digital na item na nagkakahalaga ng totoong pera
- Mga oportunidad para magtayo ng mga negosyo sa loob ng mga laro
- Ligtas na ipagpalit ang mga digital na item na nagkakahalaga ng totoong pera sa pamamagitan ng mga in-game marketplace
- Interoperability – Ang kakayahang magdala ng isang item na pagmamay-ari mo sa iba’t ibang mga laro (paano kung maaari mong isuot ang iyong paboritong Fortnite skin sa CSGO?)
- Maaaring may masasabi ka sa kung paano papalaguin ang laro
Sa ngayon ay pwede kang mapa-’Wow’ o, ‘oo tama’…
Kaya’t alamin kung PANO ito lahat naging possible…
Pano gumagana ang mga Web3 na Laro
Ang ibang mga web3 na laro ay pwedeng maging anyo ng DAO.
Ang DAO ay may ibig sabihin na ‘decentralized autonomous organization’; isang organisasyon na community-controlled at walang sentral na awtoridad.
Parang Bitcoin na walang sentral na awtoridad, hindi rin magkakaron ng marami na ito sa mga larong web3…
Sa halip, kokontrolin ito ng komunidad ng mga manlalaro.
Ang mga smart contracts ang maglalatag ng pundasyong mga tuntunin, isagawa ang mga pinag-usapang desisyon, at sa kahit ano mang punto, ang pagboboto, pag-propose, at pati na rin ang code ng laro ay pwedeng ma-audit ng publiko.
Ganito ang pagbibigay ng kontrol ng web3.
Pero pano naman ang pagmamay-ari?
Ang mga larong web3 ay gumagamit ng non-fungible tokens (or NFTs) upang gumawa ng mga digital na item na pwedeng i-authenticate sa blockchain – na ginagawa ang mga ito na tradable, at magkaron ng tunay na halagang pera.
Ngayon, maraming mga manlalaro ang ayaw makarinig ng tungkol sa mga ‘NFT’…
Kaya hayaan mo akong magpakita ng isang halimbawa ng mga NFT na ginawang tama:
Tingnan nating ang The Sandbox metaverse.
Ang larong ito ay na-code kaya 166,464 na pirasong lupa lamang ang umiiral…
Ang kada-plot (LAND) ay isang nabibiling NFT. At kapag nagmamay-ari ka ng LAND, para lamang real estate, pwede kang gumawa rito, o kaya magtayo ng mga negosyo sa iyong lupa.
Mga museo, club, concert, gaming experiences… ang mga posibilidad ay hindi nagtatapos.
Source: The Sandbox Medium
Sa isang segundo, ipapakita ko sa iyo kung paano laruin ang mga larong ito nang libre (o malapit sa libre).
Gaano ba tayo kalayo sa mga fully-functional na mga larong web3?
Ang mga maaagang blockchain title ay naka-pokus sa play-to-earn, kung saan ang iba ay nagrereklamo na ang laro ay para na raw naging trabaho…
Ngunit ang realidad ay masyado pa tayong maaga sa mga larong blockchain.
Maraming mga manlalaro ang hindi nakakaalam KUNG gaano kaaga…
Ang mga Web3 na laro ay hindi gaanong naiiba sa mga laro sa web2 sa katotohanan na ang mga nakakatuwang laro lamang ang nagtatagal…
Ngunit sa karaniwan, tumatagal ng 3 hanggang 7 na taon upang bumuo ng isang mataas na kalidad na video game.
Okay. Alam ko na ata ang iyong iniisip…
Ang good news ay ang mga masasayang laro ng web3 (tulad ng Big Time at Play Blankos) ay nagsisimula nang lumabas!
Paano ako maglalaro ng mga web3 na laro?
Pwede mong i-download ang karamihan sa mga web3 na laro mula sa kanilang mga website (o kaya ang app store para sa mga mobile games)…
Ngunit kailangan mo ng crypto wallet upang magmay-ari ka ng token at kumita ng mga in-game rewards sa crypto
Kapag gusto mo ng step-by-step guide kung papaano i-set up ang crypto wallet, tingnan ang artikulong ito.
Gugustuhin mo ring malaman kung paano gumamit ng mga hard wallet para protektahan ang iyong mga token mula sa mga hacker.
Mag-click dito para sa aming gabay sa mga hard wallet.
Paano maglaro ng mga web3 na laro ng libre (o kaya malapit sa libre)
Maraming mga web3 na laro tulad ng The Sandbox, Decentraland, at iba pa ay kakailanganin kang bumili ng NFT upang maglaro…
Kaya ito ang mga konting paraan kung papaano maglaro ng mga NFT na laro ng libre (o malapit dito):
Manalo ng giveaway
Maraming mga Twitter account at Discord Channel sa web3 space ay regular na nagbibigay ng mga giveaway.
Ang Joystick ay nagbibigay ng mga maaagang access pass sa mga AAA web3 na larong Big Time; at mga premyong pera na pwede mong i-reinvest sa mga NFT.
Kung gusto mo mag participate sa mga giveaway na ito, i-follow mo kami sa Twitter, at siguraduhin na sumali sa aming Discord channel.
Sumali sa guild
Sa model na ito, gumagamit ka ng mga NFT ng isang investor para maglaro ng web3 game (kapalit ng 30-50% ng revenue na kinikita mo).
Ang downside ng model na ito ay kailangan mong magbigay ng kalahati ng iyong kita.
“Rent” an NFT
Kung gusto mo ng mas magandang solusyon kesa sa revenue sharing…
Ang Joystick ay pinapatagan ka na gamitin ang kanilang mga NFT at itago ang 100% ng revenue na kinikita mo para sa maliit na rental fee.
Kaya iyon ang iba sa mga paraan kung papaano maglaro ng mga web3 games ng libre (o malapit sa libre).
Ngayon lumipat na tayo sa ibang paksa sa isang minuto at pag-usapan natin ang eSports…
Makakita ba tayo ng mga competitive na web3 games na papasok sa eSports?
Nakapasok na sila!
Ang Axie infinity ay nag-hohost ng tatlong eSports na tournament sa AxieCon Barcelona sa September ‘22, na mayroong $1m cash pool…
At ito ang quote na galing sa kamakailang panayam ng FaZe clan kasama ang GQ tungkol sa web3:
Ngayon, tayo ay ilang taon na lang na nalalapit sa mga fully developed na AAA web3 games…
Ngunit habang sila ay nagiging mas mahusay, mas nakaka-engganyo, at mas nakakatuwang panoorin, maaari mo silang asahan na sila ay isang malaking bahagi ng mundo ng eSports.
Konklusyon
Sa ngayon, alam mo na kung ano ang mga laro sa web3, kung paano gumagana ang mga ito, at kung paano magsimulang maglaro.
Kapag binabasa mo ito sa 2022, ito ay napaka-aga pa rin…
At napakagandang panahon ito upang kumonekta sa mga komunidad na makakapaglatag ng daan para sa kinabukasan.
Kung ikaw iyon, huwag maghintay sumali sa aming Discord – kung saan tumatambay ang mga manlalaro, nag-popost ng astronaut na emoji, at nag-uusap tungkol sa mga laro sa web3.