Ano ang Play-and-Earn Gaming?
Ano ang Play-and-Earn Gaming?
On Setyembre 27, 2023 by adminAng Play-to-Earn games ay lumaganap sa buong mundo sa 2020-2021…
Pero ang panibagong style ng paglalaro na tinatawag na Play-and-Earn ay ang magiging susunod na ebolusyon sa gaming.
Sa artikulong ito, hihimayin natin ang pagkakaiba ng Play-to-Earn at Play & Earn…
At ipapakita namin kung papano magkakaron ng mga gantimpala sa NFTs, crypto at in-game rewards sa pamamagitan ng paglalaro ng masaya.
Ano ang “Play & Earn” Game?
Ngayon, ang mga gamers ay nagbubuhos ng daan-daang oras sa paborito nilang libre na laro at hindi nababayaran ng pera.
Sa mga larong play & earn, mabibigyan ka ng gantimpala
Ang isang halimbawa ng feature ng play & earn ay kapag nanalo ka sa isang laban sa larong Axie Infinity…
Kikita ka ng Smooth Love Potion (isang token na pwede mong ipalit para sa Ethereum)
O kaya sa larong Decentraland…
Pwede ka mag-host ng concerts sa metaverse at sumingil ng MANA
O kaya sa Sandbox…
Pwede ka maningil ng SAND para sa mga experience sa virtual na mundo (parang video game na binubuo sa Sandbox)
At sa Decentraland at The Sandbox…
Pwede ka bumili at magbenta ng limitado na mga lupa sa marketplace ng NFT.
Ang mga non-fungible tokens ay umiiral sa blockchain.
Hindi sila mai-cclone o pakialaman kapag ito ay na-mint na (naisagawa). At yon ang nagbibigay sa kanila ng halaga sa tunay na mundo.
Ang mga larong Play-and-Earn at Play-to-Earn ay hindi magkapareho
Narito ang pagkakaiba
Play-to-Earn vs. Play-and-Earn
Ang Play-to-Earn ay isang makabagong innobasyon sa paglalaro– ngunit parang mga trabaho ito kaysa sa mga laro
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang isang tao sa Philippines ay maaaring kumita ng mas marami sa paglalaro kaysa sa kanilang 9-5…
Kaya habang sikat sila sa mga developing na bansa, maraming gamer ang NAG-ROAST ng mga larong Play-to-Earn.
At malugod din naming i-rroast sila!
Karamihan sa mga larong Play-to-Earn ay hindi nagmumukhang maganda dahil sila ay minadali.
Ang bull market ng crypto ay isa sa mga pinakamalaking rason kung bakit… ngunit sa kasamaang palad, ang mga de-kalidad na laro ay nangangailangan ng oras upang matapos gawin.
Ang paglalaro ng laro para pera ay hindi masyadong masaya at nakakatuwa.
Ang mga Play-and-Earn Games ay talagang Nakakatuwa
Ang mga larong Play-and-Earn ay sumusunod sa pilosopiyang “kasayahan muna.”
Ito ang diskarte ng mga game developer mula sa Gala Games (dating Zynga Games)…
Ubisoft…
Epic Games…
At ang iba pang mga seryosong developer ay sumusunod.
Isipin mo na nakakakuha ka ng mga reward para sa mahahabang gabing paglalaro ng Apex Legends, Elden Ring, Zelda, Call of Duty etc…
Well, iyon ang inaasahan na makamit ng mga larong play & earn.
Ang iilan o karamihan ay magbibigay pa ng opsyon upang maglaro nang walang sangkot ng cryptocurrency!
Isipin to bilang isang “idinagdag na feature” sa isang napakahusay na laro. Hindi sa focus ng laro.
Ito ay kung paano ang mga larong blockchain ay maaaring pumatok sa masa.
Ang mga Komunidad ay magkakaroon ng Malaking Role sa Adopsyon
Habang ang mga mismong laro ay maganda at masaya na, ang mga komunidad nito ay ang nagbibigay sakanila ng buhay.
Ang panibagong henerasyong ng streamers at eSports stars ay isisilang…
Ang mga laro ay magiging player-owned…
Ang mga manlalaro na naghahawak ng governance tokens ay magkakaron ng kapangyarihan at salita kung papapaano papaunlarin ang mga minamahal nilang laro…
Ang mga komunidad ng Discord ay magkakaron ng daan-daang libong mga miyembro
Kaya ang mga komunidad ay magkakaron ng MALAKING role sa kinabukasan.
Ngayon, pumunta na tayo sa gameplay.
Ano ang mga nangungunang Play & Earn games ngayon?
Ang Tatlong Nangungunang Play & Earn Games
1. Big Time
Ang mga beterano sa industriya na nanggagaling sa Epic Games, Rockstar, Riot, Activision, Blizzard at iba pa ay nasa likod ng larong ito…
Ang tagagawa ng Decentraland, si Ari Meilich ay ang tagagawa, kaya alam mong magiging maganda ito.
Ang Big Time ay isang RPG kung saan ginagalugad ang mga futuristic na mga sibilisasyon — nilalabanan ang mga halimaw sa isang fast-action na combat kasama ang iyong mga kaibigan.
Makakakuha ka ng mga rare NFT na loot at tokens habang nilalabanan at tinatalo mo ang mga kaaway.
Ang larong ito ay magbibigay sa iyo ng unang patikim kung papaano mabigyan ng reward sa pamamagitan ng pag hang out at pagsasaya kasama ang iyong mga kaibigan.
2. Star Atlas
Ang Star Atlas ay isang metaverse-meet-crypto space exploration na laro.
Ito ay isa pang larong may high production. At ginawa ito upang maging umuunlad na metaverse kung saan ang mga manlalaro ay maaaring maging manlalakbay sa space, ihinyero, siyentipiko, aviator, at higit pa.
Ang mga manlalaro ay maaaring sumali sa 1 of 3 na factions, at bumuo ng mga guild na lumalakbay gamit ang spaceships upang kunin at minahan ang mga planeta para sa mga resources.
Mayroong dalawang mga mode ng laro na mapagpipilian: PvE (Manlalaro laban sa Kapaligiran) at PvP (Manlalaro laban sa Manlalaro).
Ang ATLAS ay ang in-game na currency na ginagamit para sa mga transaksyon at in-game na misyon
3. Illuvium
Ang Illuvium at isang role-playing game na high production na nakatakdang ilalabas sa huling bahagi ng 2022 o unang bahagi ng 2023.
Ikaw ay isang mangangaso mula sa isang kolonya ng space na bumagsak sa isang planetang alien. At mag-explore ka para maunawaan at malaman kung ano ang nangyari sa planetang ito.
Nagmimina ka, lumalaban ng mga ligaw na nilalang na parang deity na tinatawag na Illuvials at hinuhuli sila gamit ang mga shards (na parang Pokéballs)…
At ang laro ay nagiging autobattler kung saan lumalaban ka kalaban ang ibang pangkat ng Illuvials (parang kung papaano nagiging turn-based na laro ang Pokémon kapag nakikipaglaban)
Dito pumapasok ang kasanayan at diskarte.
Ang bawat Illuvial na mahuli mo ay iyong pag-aari at walang sinuman ang maaaring kumuha nito mula sa iyo.
Pwede mong ibenta ang mga Illuvial mo sa IluviDEX para sa Ethereum.
O kaya i-level up o i-evolve sila
Magkakaroon ng opsyon na free to play na walang pera na nakakabit na kasing saya ng bersyon na bayad…
At isang online na ranggo na arena kung saan ka naglalaro laban sa iba’t ibang manlalaro sa buong mundo.
Paano magsimula sa Paglalaro at Pagkikita
Kung merong larong play & earn na gusto mong laruin…
Pumunta lang sa website ng laro at tingnan kung saang plataporma available ang laro.
Kailangan mo ring alamin kung papaano i-set up ang crypto wallet, kung saan pwedeng matutunan dito.
Konklusyon
Sa lalong madaling panahon, mabubuhay tayo sa isang mundo kung saan makakakuha ka ng reward sa paraan ng paglalaro ng mga laro at pakikisama sa iyong mga kaibigan.
Ito ang kinabukasan na karapat-dapat paghirapan.
Kung gusto mong manatili sa loop kung ano ang mga pinakamahusay na mga laro sa blockchain, ang pinakamahusay na mga diskarte upang manalo at kumita, edi sumama kayo sa loob ng aming Discord.
Ang kinabukasan ay para sa mga maagang nakikibahagi. Tara na!