Papaano Kumita ng Pera sa Paglalaro ng Video Games sa 2022 (12 Na Napatunayang Estratehiya)
Papaano Kumita ng Pera sa Paglalaro ng Video Games sa 2022 (12 Na Napatunayang Estratehiya)
On Agosto 22, 2023 by adminPalagi mo bang ginugusto na kumita pera sa pamamagitan ng paglalaro ng video games ngunit hindi mo alam kung saan magsisimula?
Always wanted to make money playing video games but never knew where to start?
Kami na ang bahala sayo. 😉
Iisa-isahin natin ang mahigit 12 na stratehiya na pwede mong gamitin upang
Tatalakayin namin ang higit sa 12 na diskarte na magagamit mo para gawing side hustle ang iyong passion sa paglalaro, o maging isang pang full-time na kita.
Magsimula na tayo?
1. Livestream sa Twitch
Ang unang paraan upang kumita ng pera sa paglalaro ng mga games ay sa pamamagitan ng live stream sa Twitch.
Hindi ako nagpapalabis sa sinasabi ko na ang Twitch ay maaari kang payamanin. Narito kung ano ang kinikita ng ilan sa mga nangungunang kumikita:
- Si Tyler ‘Ninja’ Blevins ay kumikita ng $15 – 20 milyon…
- Si Michael ‘Shroud’ Grzesiek ay kumikita ng $8 – 12 milyon…
- Si Tim ‘TimTheTatman’ Betar ay kumikita ng $6 milyon…
Yon ang kapangyarihan ng pagkakaron nga malaking audience sa Twtich. At maraming paraan upang mabayaran ang mga streamers.
- Bits: Ang mga viewer ay pwedeng bumili ng ‘Bits’ at ibigay ito sa mga streamer upang ipakita ang kanilang suporta.
- Mga suskrisyon…
- Kita sa ad…
- Merch…
- Ang pagiging kaakibat…
Alamin mo lang na kailangan na nakatuon ka upang palakihin ang iyong audience at komunidad.
Pero kung mahilig kang mang-aliw, mapunta sa harap ng camera ang maglaro nga mga video game edi ang Twitch ay ang maaaring daan para sayo.
2. Mga Larong Metaverse
Alam mo ba na merong mga laro na pwede kang kumita ng rewards na may halagang pera?
Karamihan sa mga larong ito ay nasa maagang pagdebelop pa lamang, pero ang iba rito ay masaya sa mga komunidad na mabilis lumago.
Ito ang iilan sa mga halimbawa:
Big Time, ang kauna-unahang AAA kalidad na metaverse game para sa PC (sa itaas)…
Guild Of Guardians, isa sa mga pinakamabilis na lumago na larong metaverse sa mobile…
Ito ang mga bagong laro na nagbibigay sayo ng reward na crypto habang nilalaro.
Ang iba ay libre laruin (at ang iba ay hindi). Pero upang laruin, kailangan mong mag-connect ng crypto wallet upang makatanggap ng rewards.
Ito ang aming guide kung papaano mag-set up ng crypto wallet.
3. Maging isang YouTuber
Pewdiepie… Ihascupquake… VanossGaming…
Halos lahat ng bata ay pangarap ngayon na mabayaran habang maglaro ng mga video game bilang isang YouTube star. Ngunit saan ka magsisimula?
Una, kaillangan mong maging YouTube partner.
At para gawin iyong, kailangan mo ng 1000 subscribers at 4000 na oras ng panonood sa iyong channel sa panahon ng 12 na buwan.
Parang Twitch, pag mas malaki ang audience, mas malaki ang iyong makikita.
Ang mga YouTuber at kumikita sa pamamagitan ng mga ad, donasyon, affiliates, at pagbebenta ng merch.
4. Facebook Gaming
Kailanman ba ay nag-scroll ka sa iyong Facebook feed at nakakita ng isang livestream ng gamer? (Alam kong meron ako)
Karamihan ng mga tao ay nakakalimutan na ang Facebook ay isa ring social media na platform para sa gaming!
Tinatawag itong Facebook Gaming hub. At ang mga streamer ay pwedeng mag-live at kumita sa tatlong iba’t ibang pamamaraan:
– Stars (Currency na Facebook, parang “Bits” sa Twitch)
– Mga Donasyon
– Mga Subskripsyon
Upang kumita sa pamamagitan ng mga star at subskripsyon, kailangan mong mag sign up sa programang Facebook Level Up.
5. Maging isang Esports Star.
Gusto mo bang maging professional gamer?
Pwede kang sumali ng isang eSports team (o kaya magsolo), at
You can join an eSports team (or go solo), and makipagkumpetensya sa mga video game tournament para sa mga premyong pera.
At parang streaming, ang potensyal ng pagkakaron ng kita ay malaki.
Gano kalaki?
Ito ang mga kinita ng mga nangungunang player ng Dota 2 sa mundo:
- Johan Sundstein (N0tail), isang 28 year old galing Denmark ay kumita ng $7,184,163.05…
- Jesse Vainikka (JerAx), isang 30 year old galing Finland ay kumita ng $6,486,948.78…
- At Anathan Pham (ana), isang 22 year old galing Australia ay kumita ng $6,024,411.96.
Marami pang ibang mga laro na nagbibigay ng 6 figure na premyong pera sa mga tournament tulad ng Fortnite, Super Smash Bros Ultimate, at League Of Legends… at ang mga premyong ito ay mas lalaki lamang kapag ang blockchain gaming ay naging sikat at mainstream.
Pwede ka ring mabayaran sa pamamagitan ng isang team salary.
Ang isang average eSports na bayad ay $25/hr; Pero ang mga player ay pwedeng kumita ng mga bonus sa pamamagitan ng pagpakapanalo ng mga league title tulad ng Will Wierzba.
Si Will ay kumikita ng $15,300/mo sa karaniwan sa pamamagitan ng pagkapanalo sa mga online na tournament
Ang iba pang mga paraan kung papaano kumikita ang mga eSports star ay sa pamamagitan ng mga sponsorship at pagpapakita sa mga kumbensyon.
6. Pagtuturo sa mga Gamer
Simula nung pandemic, ang pag-tuturo sa mga gamer ay mas mabilis na lumaki sa industriyang $1 billion.
Ang mga solo gamers at esports players ay nagbabayad sa mga coach upang mas mapalaganap nila ang kanilang mga galing.
Ang presyo nito ay depende sa prestihiyo ng coach.
Kaya, kapag isa kang pro sa isang tiyak na laro, isaalang-alang ang pagiging isang gaming coach!
Pano ka mag sisimula?
Pwede mong ilista ang iyong mga serbisyo sa Fiverr, Gamer Sensei, Gamer Coach, Pro Guides, Indeed, at Simply Hired.
Ang mga gaming coaches ay mga freelancer na pwedeng kumita ng $30-$60/hr, o mas mahigit pa kung magaling talaga sila.
7. Video Game Tester
Kailangan ng AAA Studious at Indie Game developers ng isang tao na hindi direktang kasangkot sa pag gawa ng laro upang subukan ito para sa insurance ng kalidad.
Ano ang ginagawa ng mga video game tester?
- Mag-ulat ng mga bugs, glitches, o mga mali…
- Pumunta sa mga ibang lebel, karakter, at modes…
- Aktibong maghanap ng mga paraan para “masira” ang laro…
- I-ulat kung ano ang nararamdaman nila habang nilalaro ang laro…
- Dumaan sa laro nang maraming beses hanggang sa wala na silang makikitang mali dito.
Ang mga game developer ay kayang kumita ng pera mula sa $36/hr hanggang $48/hr.
Depende sa:
- Kung kanino ka nagtatrabaho (halimbawa, isang AAA studio kumpara sa isang indie game studio)…
- Ano ang mga plataporma na nilalaruan mo (xbox, ios, android, pc, playstation etc)…
- Kung ikaw ay binabayaran kada oras o may sweldo…
- Nakaraang karanasan.
Kung naghahanap ka ng trabaho bilang isang game tester, pwede kang pumunta sa ZipRecruiter, Flexjobs, o Player Research.
8. Speedrunner
Ang ibig sabihin ng “speedrunning” ay kumpletuhin ang isang video game sa pinakamaikling panahon na posible. At ang genre na ito ay sumikat sa mga nakalipas na iilang taon…
Ang isang perpektong halimbawa ay ang Dream, isang speedrunner na ang Youtube Channel ay lumago sa 10M subscribers sa 2020 (ito ay 29.9M na ngayon)
Ang mga speedrunner ay pwedeng i-stream ang kanilang mga run, at kumita sa pamamagitan ng Twitch, YouTube and Facebook.
Pwede rin silang lumaban sa mga tournaments para sa mga premyong pera.
Ang isang kaganapan na tinatawag na Megaman 11 Race ay mayroong $25,000 na premyong pool.
9. Game Developer
Meron kang kasanayan sa tech? Siguro maging game developer ka.
Ang mga game developer ay kumikita mula sa $39 an hour hanggang $75+. At ang mga kumpanya ng video games tulad ng Nintendo, Microsoft, Playstation, at Ubisoft ay nangangailangan ng developers.
O kung ikaw ay entrepreneurial, maaari kang pumunta sa independiyenteng ruta.
Parang si Eric Barone, na kilala sa kanyang smash hit na Stardew Valley na nakabenta ng higit 10 milyon na kopya sa iba’t ibang plataporma sa 2020.
Pwede ka ring bumuo ng mga laro
Maaari ka ring bumuo ng mga laro sa loob ng mga laro…
Ang Roblox ay pinapayagan ka na bumuo ng mga laro sa kanilang mga plataporma. Ang laro na iyon ay may higit sa 2 milyong taga-gawa. At 325,000 ay kumikita ng pera na hinahati ng 50/50 sa kumpanya.
Maniwala ka o sa hindi, ang mga nangungunang developers sa Roblox ay kumikita ng 2-3 milyong dolyar sa bawat taon!
At kung ayaw mong ihati ang mga kita mo ng 50/50 sa isang kumpanya…
Pwede kang gumawa ng mga laro sa mga plataporma tulad ng The Sandbox o Decentraland.
Itong mga kumpanyang ito ay pinapayagan ka na ipanatili ang 100% ng iyong kita.
Para matuto pa sa mga larong Metaverse na ito, tingnan ang amin artiklo sa metaverse dito.
10. eSports Commentator
Ang mga commentator ay nagdadagdag ng kulay sa eSports dahil sa mga mahahalagang pananaw at pagsusuri ng laro.
Ay hindi mo kinakailangan na maging pro gamer (ngunit nakakatulong ito).
Kailangan mo lang malaman ang mga ins at outs ng laro na binibigyan mo ng komento.
Ang isang average na eSports commentator ay kumikita ng $70,000 kada taon.
11. Tutoryal ng mga Video Game
Marahil ay hindi mo gusto ang isang career sa propesyonal na paglalaro…
Kung ikaw ay isa lamang regular na tao na gustong maglaro ng mga video games, pwede kang gumawa ng content na naglalaman ng iba’t ibang uri. Dalawang halimbawa ang mga tutoryal at full-game playthrough.
Si Rad Bad ay kumikita ng halagang $725 hanggang $11,600 kada araw ayon sa Social Blade sa paggagawa ng mga buong playthrough ng mga video games sa YouTube.
Kaya kung ikaw ay isang self starter, kawili-wili, at may pagsinta para sa paglalaro, magagawa mo nang mahusay ang angkop ng lugar na ito.
Ang ibang mga tao ay gumagawa rin ng mga eBook guide upang ibenta ito sa Amazon…
Ngayon ay may malaking oportunidad upang gawin ito para sa mga Web 3 na laro; dahil maraming bagong pamagat ang lumalabas sa espasyo.
12. Ibenta ang Iyong Mga In-Game na Kagamitan
Hindi, hindi naman sa ganoon…
Ang mga bagong laro sa Metaverse ay pinapayagan ka na ipalit ang iyong mga oras sa paglalaro patungo sa totoon pera. At ang isang bagay para gawin yon ay ang pagbebenta ng iyong kagamitan in-game.
Ito ang mga ibang halimbawa:
– Pwede kang magbenta ng mga rare drops na nakolekta mo sa pagpapatay ng mga halimaw sa larong Big Time para sa totoong pera (noong nakaraan lamang, ang isang Joystick Big Time streamer na si Kingperrin1 ay nakakuha ng drop na may halagang $1,000)…
– Pwede ka mag host ng concert sa Decentraland, at magbenta ng tickets (tulad ng ginawa ni Justin Bieber sa November 2021)…
– Pwede ka mag disenyo ng skin o istraktura sa The Sandbox, at ibenta ito sa ibang mga player sa kanilang marketplace (tingnan ang ibaba)…
Ito ang iba sa mga paraan kung papano mo ibebenta ang iyong mga in-game na bagay sa mga laro ng Metaverse.
Ang isang player ay kinakailangan na mag may-ari ng NFT upang magkaroon ng kakayahan upang gawin ito sa larong Metaverse. Ngunit meron pang mga ibang paraan sa pagbibili ng NFT…
Ang rental platform ng Joystick ay pinapayagan ka mag rent ng mga gaming NFT, at itago ang 100% ng kita na nabuo mo sa paglalaro ng mga larong ito.
Kaya halos kahit sino ay maaaring makapasok sa laro at kumita!
Handa ka na maglaro at kumita?
Inaasahan kong nabuksan ng artikulong ito ang iyong mga mata sa mga panibagong paraan upang kumita ng pera sa paglalaro ng mga video game…
Ano ang iyong naging paborito? Streaming? Esports? Mga laro sa Metaverse?
Makisali sa komunidad ng Joystick sa pamamagitan ng pagsali sa Discord ngayon.