Ano ang isang DAO? Isang Madaling Intindihin na Pagpapaliwanag
Ano ang isang DAO? Isang Madaling Intindihin na Pagpapaliwanag
On Nobyembre 6, 2023 by adminHindi talaga alam ng karamihan kung ano ang mga DAO sa web3, at okay lang iyon.
Ito ang rason kung bakit
Ang mga DAO ay bihirang talakayin di gaya ng mga NFT o play & earn…
Pero wag ka magkakamali– Ang mga DAO ay nag-transform kung papaano nakikipag-ugnayan ang mga game developer, tagagawa at mga entrepreneur sa kanilang komunidad.
At sa dulo ng artikulong ito, malalaman mo kung bakit.
Tatalakayin natin ang lahat: Ang mabuti, ang masama at ang pinakamaganda pagdating sa mga DAO.
Pero una– ano ang DAO?
Ano ang isang DAO?
Ang DA O (o Decentralized Autonomous Organization) ay isang “web3” na bersyon ng kumpanya
Habang ang isang normal na kumpanya ay binubuo ng isang panloob na pangkat ng mga empleyado— ang isang DAO ay binubuo ng buong komunidad ito.
Ang mga manlalaro, tagagawa, investor, tagagawa ng komunidad, at iba pang mga kalahok
Pwede mo ring isa-isahin ang pagkaka-intindi sa DAO na parang ganto:
Decentralized – HINDI kontrolado ng isang sentral na awtoridad.
Autonomous – Gumagana na may kaunting pakikilahok ng tao.
Organization – Isang komunidad ng mga tao.
Papaano gumagana ang DAO?
Ang mga DAO ay pagmamay-ari at kontrolado ng mga miyembro nito sa pamamagitan ng sistema ng governance.
Ang sistema na ito ay nangangailangan sa mga miyembro na maghawak ng mga cryptocurrency na tinatawag na governance tokens.
Similar ito sa pagkakaroon ng shareholder rights sa pagmamay-ari ng mga stock, pero iba.
Ang mga DAO ay gumagana sa likod ng mga series ng mga konektadong smart contract na may layunin na pagbawas, o kaya ganap na pagtatanggal ng input ng tao.
Ang komunidad ang nag-dedesisyon sa mga batas ng mga smart contract— kung saan ay icinocode ito at pinapaandar ng automatic.
Pupunta tayo sa kung ano ang mukha nito IRL sa isang segundo.
Pero ngayon alamin lang na ang mga DAO ay pwedeng paganahin sa napakaraming mga paraan, kahit sa mga protocal ng Defi, hanggang sa pag-develop ng mga laro at iba pa.
Ano ang mga ginagawa ng mga miyembro ng DAO?
Ang mga miyembro ng DAO ay nagbobotohan sa mga batas na magmamahala sa komunidad na parte sila.
Ang mga kumpanya ay pwedeng gumawa ng mga DAO para hayaan ang komunidad na mag-desisyon sa mga bagay tulad ng kung ano ang pwede at ang bawal, mga update, o kaya mga malalaking desisyon sa development.
Nagbibigay-daan ito ng kalayaan na “bumoto gamit ang mga dolyar” at pinipilit ang DAO na panatilihing nakahanay ang mga insentibo nito sa mga may hawak ng token!
Bakit gaming DAOs?
Sa kaso ng gaming, kung saan ang mga venture capital na pondo ay umaagos papasok ng malaya, at ang industriya ay patuloy na lumalago kada taon, marami ang magsasabi ng hindi natin kailangan ng mga DAO…
Pero para intindihin ang kapangyarihan ng gaming DAOs, kailangan muna nating maintindihan kung bakit may advantage ang mga DAO kesa sa mga tradisyonal na legal entity tulad ng LLC.
Ito ang iba sa mga unique na benepisyo ng mga DAO…
Mga Benepisyo ng mga DAO
Tokenized na Pagmamay-ari
Ito ang ubod ng pinagkaiba ng mga DAO sa mga tradisyunal na kumpanya.
Ang mga komunidad ay kumukuha ng equity sa pagmamay-ari ng mga governance toke. At ang pagmamay-ari ng mga token na ito ay hindi lang pinapayagan ka para bumuto, pero pwede ka ring mabigyan ng mga eksklusibong mga benepisyo tulad ng mga airdrop, access sa mga espesyal na grupo at iba pa.
Maaari mong malayang bilhin o ibenta ang iyong mga token sa mga pangalawang merkado nang walang anumang mahabang panahon ng lock-up, o nangangailangan ng pag-apruba mula sa ibang mga miyembro.
Isa sa mga pinakamalaking benepisyo nito ay ang mga miyembro ay mayroong ibinabahaging pagmamay-ari sa kanilang fandom.
Ang mga white paper ay naglalatag ng mga benepisyo ng pagmamay-ari ng token– at ang kada-DAO ay kaka-iba.
Isang Bagong Paraan Para Makalikom ng Puhunan
Ang mga tagagawa at mga subreddit ay pwedeng magkaroon ng sarili nilang token upang ipamahagi ito sa kanilang komunidad.
Ito ay isang bagong paraan para sa mga creator na makalikom ng puhunan, at mag-rally ng isang komunidad sa ilalim ng nagkakaisang layunin.
Ang isang pinakamagandang halimbawa nito ay ang ConstitutionDAO.
Isa silang grupo na nakalikom ng pera upang subuksan na bilhin ang isa sa mga orihinal na kopya ng US Constitution sa isang high-end na auction house na tinatawag na Sotheby’s (nagkaroon sila ng
They were a group that raised money to try to buy one of the original copies of the US Constitution at the high-end auction house Sotheby’s (mayroon silang average na laki ng kontribusyon na $206.26)…
Buong Transparency na Pinansiyal
Ang lahat ng mga inflow at outflow na pinansiyal ng isang DAO ay naitala sa publiko sa blockchain ng real time.
Sa halip na pag-aasa sa mga quarterly pinansiyal, o hindi makakuha ng anumang impormasyon, ngayon ay masusubaybayan mo ang pinansiyal na kalusugan ng isang organisasyon sa bawat minuto.
Ito ang isang bagay na hindi mo kayang gawin bago lumabas ang mga DAO.
Ang transparency ay nangangahulugan na masusubaybayan ng mga stakeholder kung ang pondo nila ay ginagamit sa isang responsableng paraan— at tinitiyak nito na ang komunidad ay nakahanay.
Ibig sabihin din nito na ang mga stakeholder ay maaaring ilabas ang kanilang kapital kung hindi sila nakahanay sa kung papaano nagpapatakbo ang DAO– o gumawa ng mga panibagong proposal upang ipatanggal ang mga ibang tagapagpagawa ng mga desisyon.
Automation sa pamamagitan ng mga Smart Contract
Sa isang DAO, ang mga operasyon ay pwedeng maging automated sa mga smart contract.
Ang mga smart contract ay mga piraso ng code na nagsasagawa ng mga batas– at ang komunidad ang nag-dedesisyon kung ano ang mga batas na iyon.
Kaya pwede ako magkaroon ng smart contact na nagpapatanggal ng isang indibidwal sa isang server kapag nagsasabi ng mga salitang ipinagbabawal.
Ang mga smart contract ay pinapayagan ang mga DAO upang gumalaw ng mas mahusay, transparent at trust-lessly kesa sa mga regular na organisasyong– dahil tinatanggal nila ang elemento ng tao.
Binabawasan din nito ang mga gastos sa pagpapatakbo, mga oras ng turnaround at nililimitahan ang potensyal para sa pagkakamali ng tao.
Ganito gumagalaw ng mas mabilis ang mga DAO at sa maliit na margin lamang kesa sa mga regular na organisasyon– at magbahagi ng mas marami pang pondo patungo sa kanilang komunidad na treasuries.
Desentralisado
Ang mga DAO ay dinesenyo bilang maging desentralisado— at pinapahirapan nito ang mga hacker na atakihin kumpara sa mga regular na kumpanya (dahil walang sentralisado na mahinang punto para atakihin.)
Ngunit ang talagang nagpapaiba sa mga DAO ay ang mga kontribyutor ay pwedeng maging anonymous— tulad ng mga maraming web3 founders (tulad ni Satashi Nakamoto).
Ang mga DAO ay may mga kontribyutor sa buong mundo. At nagbibigay ito ng mga oportunidad para sa mga panibagong grupo ng mga tao upang mag-ambag na hindi kailanman nilang magagawa– na sa paglalaro, ay maaaring mabago nang radikal ang pag-unlad at paggawa.
Pinapayagan nito ang lahat na mapakinggan ang kanilang mga boses, at hinahayaan ang mga pinakamagandang ideya na lumabas at magpakita alintana sa kanilang pinanggagalingan.
Ito ay isang mas “grassroots” na diskarte sa paggawa ng desisyon na kinokontrol ng mga komunidad– sa halip ng tradisyonal na top-down na paraan ng paggawa ng mga desisyon.
Pero ang pagiging desentralisado ay pwedeng mag-iba sa pagitan ng mga DAO.
Ang ilang mga DAO ay maaari lamang mag-desentralisa ng mga bahagi ng organisasyon, at iwanan ang ibang mga bahagi na sentralisado kung saan ito magiging makatuwiran.
Ano ang iba pang mga problema sa mga DAO?
Ang mga DAO ay hindi perpekto– meron ding mga iba na may mga isyu na kailangan matugunan
Pay-for-Power na mga Senaryo
Ang isang potensyal na problema ay isang sitwasyon kung saan ang isang investor ay maaaring bumili lamang ng sapat na token upang magkaroon ng kanilang sariling mga personal na kagustuhan na makikita sa roadmap ng laro.
Kaya kailangang gumawa ng mga hakbang upang matiyak na may boses ang lahat, at hindi lamang ang mga taong may hawak ng pinakamaraming token ng pamamahala.
Dapat bang Kontrolin ng mga Komunidad ang Pagbuo ng Laro?
Halimbawa sa paglalaro, ang pag-iiwan ba ng mga desisyon sa pagbubuo ng laro sa sinumang tao na may crypto wallet ay talagang makakalikha ng isang mahusay na laro?
Alam ba talaga ng komunidad ang magandang gawin para sa paggawa ng laro?
Ito ay isang dahilan kung bakit napakakaunting mga DAO lamang ang nakarating sa Decentraland para makabuo ng ganap na desentralisadong mga laro.
Ang iba ay naniniwala na ang mga desisyon na iyon ay mas magandang iniiwan sa mga eksperto. At ito ay isang wastong pag-aalala.
Koordinasyon ng Botante
Upang gumana ang isang DAO, kailangang magkaroon ng mataas na antas ng pagkakahanay sa malalaking grupo ng mga tao.
Ang ilang mga DAO ay gumagawa ng mahusay na gawain nito— ang mga DAO tulad ng Aave at ENS ay may 100% partisipasyon ng botante.
Ang iba tulad ng desentralisadong exchange na Uniswap ay mayroon lamang 0.4% na partisipasyon ng botante.
Ang mga mas mahuhusay na mga tool ay maaaring mapabuti ito (tulad ng paglipat ng mga komunikasyon sa Discord at patungo sa isang bagay na may mas layunin na buoin para sa pakikipagtulungan sa trabaho), ngunit ito ay nangangailangan ng oras.
Mga DAO sa Paglalaro
Kaya paano talaga lumalabas ang mga DAO sa Gaming?
Sa gaming, ang mga DAO ay pinapayagan ang mga gamer na magkaron ng boses sa kanilang gaming experience— na kayang gumawa ng isang feedback loop na hindi pa umiiral sa maraming laro sa web2.
Maaari din silang magpakita sa mga gaming guild– mga organisasyong nagbibigay-daan sa mga komunidad na lumahok sa mga larong play & earn na may mataas na hadlang sa pagpapasok.
Mas alamin pa natin ang mga halimbawang ito.
Mga halimbawa ng mga gaming DAO
Mga Gaming Guild
Ang mga Gaming Guild ay mga organisasyong bumibili ng mga asset sa larong Web3 upang ipahiram ito sa mga manglalaro– o hawakan bilang mga speculative investment.
Ginagawa ng mga guild ang karamihan ng kanilang pera mula sa mga programang pang-iskolar
Ito ang kasanayan ng pagpapahiram ng mga NFT sa mga manlalaro bilang kapalit ng ilan sa mga kita na kanilang nakukuha galing sa mga larong play & earn (karaniwan ay 70/30 na hati, na may 70% na napupunta sa manlalaro)
Ang ilang mga guild ay eksklusibong nakatuon sa mga laro na binuo sa isang blockchain (tulad ng Ethereum blockchain)…
Ang iba ay may mas magkakaibang mga diskarte sa pamumuhunan– ang ilan ay umaabot hanggang sa pag-iinvest sa ibang mga DAO.
Kung mas diversified ang guild, mas hindi sila apektado ng ebb at mga pag-usbong ng iba’t ibang interest manlalaro sa mga titulo.
Mga Incubator at Accelerator
Ang mga incubator at mga accelerator ay mga uri ng DAO na umiiral upang mapalago ang komunidad ng web3 sa kabuuan.
Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon, pagbibigay ng pondo sa mga panibagong venture, at pagbibigay ng mga problem solving tech na ginagawang mas maganda ang mga larong web3
Ang Game7 ay isang halimbawa ng mga DAO na ito.
Nagbibigay ang mga ito ng “open source” na diskarte sa paglutas ng iba sa mga pinakamalaking problema ng web3 tulang nag pag-oonboard ng mga panibagong manglalaro, paglalatag ng mga bukas na pamantayan at interoperability upang magbigay ng halimbawa sa iba.
Mga Developer
Ang mga pinaka-ambisyosong DAO ay nagpapatuloy upang maging mga developer ng laro. Narito ang ilan sa kanila…
Nilalayon ng Star Atlas na maging isang larong AAA na may napakalaking scale.
Sa pamamagitan ng paghawak ng Star Atlas governance token na tinatawag na POLIS, maaari kang magkaroon ng sasabihin sa mga panuntunan ng metaverse na namamahala dito.
Ang isa pang laro ay Decentraland.
Ang Decentraland ay hindi masyadong isang laro, dahil ito ay isang virtual na mundo – isang plataporma kung saan maraming mga karanasan ang maaaring itayo, ang ilan ay nangyayari na mga laro.
Pinamamahalaan ng Decentraland DAO ang mga patakarang ginawa upang matukoy kung paano kumikilos ang mundo.
Ito ay mula sa kung anong mga uri ng naisusuot na item ang pinapayagan (o hindi pinapayagan) pagkatapos ng paglulunsad ng DAO…
Moderasyon ng content…
Mga auction ng patakaran sa LAND…
At iba pa.
Konklusyon
Ang mga DAO ay binabago ang paraan ng pag-oorganisa namin ng mga kumpanya at komunidad ng paglalaro sa pagpasok natin sa desentralisadong mundo ng web3.
Pinaglilingkuran nila ang parehong mga tagalikha at mga komunidad, at nabago na nila ang mundong pinansiyal–
Ngayon ay binabago nila ang gaming.
Ang mga DAO ba ang kinabukasan? Ang desentralisasyon ba ng pagbubuo ng laro ay hahantong sa mas mahusay na mga laro?
Oras lamang ang makakapagsabi nito.
Ngunit isang bagay ang sigurado:
Babaguhin ng mga DAO ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga creator patungo sa kanilang mga komunidad magpakailanman sa pagpasok natin sa panibago at kapana-panabik na mundo ng web3.