Ang metaverse ay patuloy na lumalago, at ang blockchain gaming at ang rocket fuel
Ang metaverse ay patuloy na lumalago, at ang blockchain gaming at ang rocket fuel
On Hunyo 11, 2023 by adminNalalapit na ang mass adoption…
Ito na ang pagpapasigla, pagtama ng dopamine at ang pagtakas sa mga alternatibo (na mas madalas na cool) na katotohanan.
Ito ay libangan sa pinakamataas na antas, maaakit nito ang atensyong ng mga masa. Ang mga tao ay titira sa mga metaverse, at patuloy nilang gagamitin ang mga metaverse. Ang mga ekonomiya ay mas uunlad sa mga metaverse, at ang mga negosyo ay lalago sa mga metaverse.
Ang blockchain gaming ay mas ginagawa itong mas malapit kaysa sa inyong mga iniisip
Lahat ay mahilig maglaro… Pamilyar na ang gaming, at ilalantad nito ang mga tao sa panibagong realidad nang mas mabilis pa kaya sa mga simple at lumang cryptocurrencies.
Aakayin nito ang mga tao na gumamit ng teknoloyihang magtatatag ng pundasyong ng kinabukasan, na binuo sa mapapatunayan, at nave-verify nga chains ng data
Ang Play-to-earn (P2E) gaming na may halong defi mechanics (Gamefi) ay patuloy na magiging insentibo na mag-aakit sa mga maagang nag-adopt dito. Babayaran ang mga tao para maglaro, gumamit ng mga teknolohiya, at palaguin ang pundasyon ng buong ecosystem.
Ang mga in-game na ekonomiya na naitatag ay gagawing MAKATOTOHANAN ang mga laro. Gagawin nitong MAKATOTOHANAN ang mga mundo ng metaverse. Gagawin niyong MAKATOTOHANAN ang pagkakataong kumita ng napakalaking halaga ng pera.
Pag marami pa ang nadagdag — galing sa mga social media hangouts hanggang walang katapusang karanasan ng VR — mas nagiging MAKATOTOHANAN ito.
Generational wealth creation: sino ang GMI?
Late 70’s/Early 80’s: OG internet kids
Ang mga taong ipinanganak noong ‘75 hanggang ‘85 ay isa sa mga nasa magandang posisyon upang mag-capitalize.
- Sila ang mga kauna-unahang mga bata na maglaro ng mga video games sa bahay at online, ang unang mga bata na nakipag-ugnayan sa ibang mga tao online, at magbenta pa ng mga bagay online. Lahat ng ito habang ang kanilang utak ay lumilinang
- Sila ay bata pa para maniwala sa kung ano ang maaaring kinabukasan ng digital world… ngunit nasa sapat na edad upang tumulong palaguin ito.
- Ang kanilang pera at karanasan sa buhay ay nilalagay sila sa magandang posisyon upang pagsamantalahin ang oportunidad na ito.
Bagama’t ang ilan mula sa hanay ng edad na ito ay mag-ccapitalize sa mga pinakamataas na antas, mas malaking porsyento ang mapapalampas ito dahil hindi sila na updated sa ebolusyon ng teknolohiya
Late 80’s/Early 90’s: Handheld gaming pioneers
Ang grupo na ito (ngayon na nasa kanilang late 20’s / early 30’s) ay lumaki kasama ang gaming at naglalaro pa lamang noong sila ay nasa murang edad. Binago ng Nintendo ang lahat sa pagbibigay ng saya at mapanagumpay na console (NES) sa mga bahay…
…ngunit noong inilabas ang Game Boy noong earl 90’s, nagkaroon ang mga magulang ng handheld device na makakapagbigay ng entertainment sa kanilang mga anak kahit saan.
Mula pagkabata, ang mga bata na ito ay lumaki sa gantong realidad, nakakondisyon upang maglaro at makipagsapalaran sa ibang mga mundo
Hindi lang iyon ang lahat… ang online multiplayer na gaming ay patuloy na mas lumakas. Noong dumating ang oras na sila ay naging mga teenager, ang XBox Live ay lumabas sa eksena — ngayon makakapaglaro ka na ng mga video games online kahit walang kompyuter
Nagamit nila ng husto ito. Ito ang kauna-unahang henerasyon na gumigising hanggang madaling araw para makipaglaro (at makipag-connect) sa iba’t ibang mga tao sa buong mundo. Ang P2E gaming at mga metaverse ay magkakaron ng saysay sa kanila, at madali nila itong mapapahalagahan.
Late 90’s/Early 00’s: Metaversed from birth
Ang mga pag-iisip ng mga batang ito ay konektado na sa metaverse bago pa man ito umiral.
Ang mga taong ipinanganak noong early 2000’s ay lumaki kasama ang social media at teknolohiya ng smartphone. Wala silang pagkakataon na maiwasan ang mga susunod na umiiral… sila ay naka-kondisyon nga 100% upang ibigay ang lahat sa metaverse.
Ang ibig kong sabihin, sila ay kinakailangan na konektado upang sila ay nauugnay kasama ang kanilang mga kaibigan — dahil andon ang lahat ng mga kanilang kinakaibigan.
Itong grupo na ito ay alam ang ebolusyon ng tech. Hindi sila nagbabayad gamit ang cash, ginagamit nila ang kanilang phones para sa lahat. Sila ang pinakakonektadong henerasyon sa kasaysayan ng katauhan, at gawing virutal na garantiya ang pangingibabaw sa hinaharap na kinabukasan ng industriyang ito.
Kaya paano ito magwawala lahat?
Ang ebolusyong ng mga blockchain na teknolohiya ay hahantong sa pinakamalaking pamamahagi ng yaman na nakita ng mundo.
Ang mas nakakatanda, ang may pinaka-ayaw sa ebolusyon na ito, ay maaaring mas may pinakamaraming pera… pero sila ang mga pinakanalalapit sa pagkamatay. Araw-araw ay mas lumalapit sila patungo sa katotohanang iyon, at mas bumababa ang kanilang impluwensya sa mundo.
Ang mga kayamanan ay lilipat mula sa mga nakakatanda patungo sa mga nakakabata… Ang mga huli sa pag-adopt ng kahit ano mang edad ay mawawalan ng oportunidad sa mga pinakamalaking kita ng kayamanan at magiging pinakamalaking talunan sa mga susunod na dekada.
Pinabilis ng COVID ang timline na ito… mas lalo nitong sinanay ang mga tao na makipag-ugnayan, mag-trabaho, at mag-laro sa mundo ng digital. Ipinakita nito na ang tagumpay ng “metaverse” ay isang LOCK hangga’t walang sakuna ang sisira sa sangkatauhan bago pa tayo makarating doon.
Kung saan napupunta ang atensyon, dumadaloy ang pera.
Ang malaking tanong —
Nangyayari na ito…
Tingnan ang social media (atensyon na naka-steroids) —
Ni-rebrand ang Facebook patungong Meta dahil nakikita ni Zuckerberg na ang metaverse ay ang “kinabukasan ng internet”.
Samantala sa sector ng paglalaro — binili ng Microsoft ang Activision (sa halagang $69B) upang makipagkumpitensya sa Facebook sa metaverse.
Sa susunod, panoorin ang flood bilang ang lahat ng brand sa bawat industriya na ayaw maging susunod na Blockbuster ay gagawa ng paraan patungo sa metaverse. Kapag mas nabuo ang lahat, mas maraming atensyon ang mabubuhay doon.
Ang blockchain gaming ay magbibigay ng daan para ipagsama ang mundo ng realidad at digital. Tayong mga katauhan ay mahilig maglaro ng mga games at mahilig tayo kumita ng pera. Ginagawa ng mga laro ang pag-lipat ng panibagong mundo ng teknolohiya na mas maayos at mas madaling maintindihan. Ang gaming ay magiging pundasyon ng “metaverse”.
Ang pinakamagandang bahagi? Napakaaga pa at ang oportunidad ay nasa lahat ng dako. Ang pag-alam kung saan titingin, sino ang pagkakatiwalaan, at kung paano mananalo ang magiging sagot sa lahat.