Ano ang GameFi? – Ito ang Iyong Guide kung Paano ito Gumagana
Ano ang GameFi? – Ito ang Iyong Guide kung Paano ito Gumagana
On Oktubre 15, 2023 by adminIsipin mo na ikaw ay nasa bahay sa kaumagahan ng Sabado, naglalaro ng isa sa mga iyong paboritong mga laro…
Pagkatapos ng isang oras ng pagsasaya, tiningnan mo ang iyong account, at meron kang $2USD na halagang in-game tokens sa iyong account…
Pinindot mo ang ‘Withdraw,’ at sa mga iilang sandali, ang pera ay nakalagay na sa iyong crypto wallet.
Maligayang pagdating sa kinabukasan ng GameFi.
Sa dulo ng artikulong ito, malalaman mo ang lahat na gusto mong malaman tungkol sa GameFi.
Kaya, magsimula tayo sa kung ano ang GameFi…
Ano ang GameFi?
Ang GameFi ay ang fusion ng gaming at finance.
Ito ay panibagong istilo ng paglalaro na gumagamit ng teknolohiyang blockchain para magdagdag ng financial incentives sa mga video game…
Lahat ng mga bagay na sanay kang gawin sa mga video games tulad ng pagtatapos ng mga gawain…
Pakikipaglaban sa mga ibang manglalaro…
At ang paglalagpas sa iba’t ibang antas ng laro ay maaari na ngayong makabuo ng kita!
Ang mga larong ito ay pinapayagan kang mag may-ari ng sarili mong in-game na kagamitan sa pamamagitan ng pagpalit nito sa non-fungible tokens (NFTs).
Ito ay pinapayagan kang kunin ang iyong mga kagamitan palabas ng laro at ipagpalit ito sa mga cryptocurrency exchanges at NFT marketplaces.
Papaano Gumagana ang GameFi
Sa GameFi, ang mga premyo ay dumarating sa alinman sa mga in-game na asset, o cryptocurrency.
Ang mga in-game asset na ito ay maaaring virtual na lupa (ex. Decentraland)…
Avatars (ex. Axie Infinity)…
Mga Armas (ex. Big Time)…
Mga Skin (ex. Thetan Arena) at iba pa.
Sa kadalasan, ang mga in-game asset ay NFTs na nasa blockchain— na nangangahulugan na maaari mong i-trade ang mga ito sa NFT marketplaces (tulad ng opensea.io).
Ang ibang mga NFT ay may halagang na nakabase sa rarity o collection value (tulad ng 4,088 “Origin Axies” na ginawa noong two-month pre-sale event ng Axie Infinity noong 2018).
Pero ang tunay na puso ng GameFi ay ang modelo ng play-to-earn…
Ang Modelo ng Play-to-earn (P2E)
Ang modelong ito ay napabuti ang tradisyonal na pay-to-play model na ginagamit sa industriya ng paglalaro…
Ang Pay-to-play ay kinakailangan ka na mga-invest bago ka magsimula ng paglalaro— ang mga larong tulad ng Apex Legends ay kinakailangan ang mga manglalaro na bumili ng mga lisensya o umuulit na mga subskripsyon…
Sa kadalasan, ang mga tradisyonal na laro ay hindi kumikita ng pera, at ang kanilang mga in-game na asset ay kontrolado at hinahawak ng isang gaming na kumpanya…
Sa kabaligtaran, binibigyan ka ng mga P2E na laro ng buong pagmamay-ari sa iyong mga in-game na asset at binibigyan ka ng mga pagkakataong kumita.
Ang teknolohiyang blockchain ay kayang (at dapat) magbigay sa mga manglalaro ng buong kontrol sa kanilang mga in-game na asset, ngunit hindi laging iyon ang kaso…
Siguraduhin lang na nauunawaan mo kung pano gumagana ang laro at kung sino ang nasa likod ng proyekto bago mag–invest sa isang P2E na laro (maraming proyektong mga GameFi ay nangangailangan na bumili ng mga NFT o crypto na asset bago ka makapaglaro).
Kaya laging gumawa ng research at timbangin ang risk…
Kung ang P2E na laro ay nangangailangan ng malaking investment para magsimula, ang premyo ay maliit, o kaya ang math ay hindi nagtutugma, malamang ay mataas ang chansa na mawawalan ka ng pera.
Ang isa sa mga pinaka-popular na mga larong play-to-earn ay ang Axie Infinity.
Ito ay isang Ethereum-based NFT na laro na lumago sa kasikatan noong 2018…
Ang mga manglalaro ay maaarig gamitin ang kanilang mga NFT pets (Axies) upang kumita ng SLP tokens sa pamamagitan ng pagtatapos ng mga daily quests at pakikipaglaban sa ibang mga manglalaro…
Pwede ring silang kumuha ng AXS rewards kapag nakaabot na sila sa tiyak na PvP na ranggo…
Pwede mo ring gamitin ang AXS at SLP para mag-breed ng mga bagong Axie, na pwede mong gamitin in-game o ipagpalit sa opisyal na NFT marketplace…
At kung sa tingin mo na hindi mo kayang bilhin ang $2,000-3,000 na NFTs, mag-isip muli…
Ang Axie Infinity ay nangu
Pinangunahan ng Axie Infinity ang isang modelo ng pagpapahiram na tinatawag na modelo ng scholarship— Na nagpapahintulot sa mga iskolar na gumamit ng hiniram na Axies para sa paglalaro at makakuha ng mga premyo…
Kaya ang mga may-ari ng Axie ay kayang kumuha ng passive income— habang ang mga scholar ay pwedeng maglaro kahit walang inilagay na investment. Nagbabahagi lang sila ng kanilang kita.
Ngunit kung ayaw mong magbahagi ng malaking bahagi ng iyong mga kita…
Mayroong modelong “pagrenta” na hinahayaan kang panatilihin ang 100% ng kita mo para sa isang maliit na bayarin sa pagrenta— ngunit iyon ay para sa isa pang artikulo…
Pagmamay-ari ng iyong mga in-game items
Ang teknolohiya ng blockchain ay pinapayagan ka na gawing pagmamay-ari ang iyong mga digital na asset.
At ang mga manglalaro ay pwedeng i-monetize ang mga assets na iyong sa iba’t ibang mga paraan…
Ang mga asset na ito ay maaaring ibigay o likhain bilang mga NFT sa blockchain (kilala rin bilang NFT minting)…
Na nagbibigay-daan sa mga manlalaro na magkaroon ng buong kontrol sa kanilang mga asset, na may authenticity at nabe-verify na pagmamay-ari.
Ang mga larong Metaverse tulad ng Decentraland at The Sandbox, ay nakatuon sa pagmamay-ari ng lupa.
Kaya sa The Sandbox, literal na pwede ka maging virtual na landlord!
Pwede kang magparenta ng virtual na plot ng lupa na pagmamay-ari mo at ipa-develop sa iba…
Habang nangongolekta ka ng mga passive income sa SAND na coins
Maaari mo ring singilin ang iba pang mga manlalaro na bumibisita sa iyong lupain, at makakuha ng mga gantimpala na token sa pamamagitan ng pagho-host ng nilalaman at mga kaganapan!
Ngayon alam ko na siguro ang iniisip mo…
Oo. Kaya mo.
At mas marami ka pang magagawa sa mga DeFi app…
Mga DeFi App
Nag-aalok ang mga ilang proyekto ng GameFi ng mga produkto at feature ng DeFi (Decentralized Finance) tulad ng staking, liquidity mining, and yield farming…
Ang lahat ng ito ay higit pang mga paraan para kumita ang mga manlalaro ng lehitimong passive income sa kanilang mga NFT…
Ginagawa rin ng mga elemento ng DeFi ang crypto gaming na mas desentralisado…
Ginagawa rin ng mga elemento ng DeFi ang crypto gaming na mas desentralisado…
Ang mga tradisyonal na mga kumpanyang panglaro ay sentralisado na ang kontrol sa kanilang mga update sa laro…
Pero maraming mga proyektong GameFi ay hinahayaan ang kanilang komunidad na makilahok sa kanilang proseso sa decision-making…
Sa Decentraland, ang mga manglalaro ay maaaring bumuto para sa future na updates kapag na-lock nila ang kanilang mga governance tokens (MANA) sa DAO (decentralized autonomous organizations).
Kung mas maraming mga token ang kanilang nai-lock, mas mataas ang kanilang kapangyarihan sa pagboto…
Nagbibigay-daan ito sa mga developer ng laro na makipagtulungan sa komunidad upang bumuo ng larong gusto nila.
Ang mga video game ba ay itinuturing na GameFi?
Kahit na may mga in-game na currency at digital asset ang iilang mga video game…
Bihirang gawin ang mga ito para i-trade sa labas ng laro– lalo pa na magdala ng malaking halaga na lampas sa saklaw ng laro.
At kapag ginawa nila, karaniwang ipinagbabawal ang mga manlalaro na i-trade sila sa totoong mundo.
Ang GameFi ay kabaligtaran…
Siguradong mayroong ilang mga larong blockchain na gumagamit ng mga virtual na token sa halip na mga crypto o NFT…
Ngunit karaniwang maaaring i-convert ng mga manlalaro ang kanilang mga in-game asset sa mga NFT kung gusto nila.
Paano gamitin ang GameFi?
Mahigit mayroong 1,800 na mga larong blockchain sa market, at lahat sila ay iba-iba…
Mag-ingat sa mga scam na proyekto at pekeng website…
Gumawa ng bagong crypto wallet para sa GameFi lamang at gamitin lamang ang mga pera na kaya mong mawala…
Kung sigurado kang ang laro ay ligtas, sundin ang mga hakbang na ito upang simulan ang paglalaro:
1. Gumawa ng crypto wallet
Upang magamit ang mundo ng GameFi, kailangan mo ng cryptocurrency na wallet, tulad ng Trust Wallet o MetaMask…
Ito ang aming artikulo kung papaano i-set up ang Metamask wallet.
Ang ibang mga laro ay kinakailangan ng magkatugma na wallets– halimbawa, kailangan mo ng Ronin Wallet para maglaro ng Axie Infinity…
At kapag kailangan mong mag-connect ang iyong Metamask Wallet sa BNB Smart Chain (dating Binance Smart Chain) if you want to play a BSC game…
Tingnan ang opisyal na website ng laro upang makita kung aling mga wallet ang sinusuportahan nila.
2. Ikonekta ang iyong wallet
Pumunta sa website ng laro at hanapin ang opsyon para ikonekta ang iyong crypto wallet…
Siguraduhin na kumokonekta ka sa kanilang opisyal na website at hindi isang pekeng kopya.
Karamihan sa mga larong blockchain ay gumagamit ng iyong crypto wallet bilang isang gaming account (sa halip ng username at password).
Karaniwang hihilingin sa iyo na pirmahan ang isang mensahe sa iyong wallet bago ka makakonekta sa laro.
Tapos sa wakas…
3. Tingnan ang mga kinakailangan para maglaro
Karamihan sa mga proyekto ng GameFi ay nangangailangan sa iyo ng bumili ng cryptocurrency token o mga in-game na NFTs para magsimula…
Lagi mong alamin ang pros at cons bago ka mag-invest.
Gaano katagal bago maibalik ang iyong unang puhunan, at kumita? Gugustuhin mong malaman ang mga sagot sa mga tanong na ito.
Kung wala kang pera o ayaw mo mag-risk, pwede ka ring maghanap ng scholarship…
O mas mabuti pa, isang programa sa pagpaparenta – para hindi mo kailangang hatiin ang iyong mga kita sa mga may-ari ng NFT.
Ang kinabukasan ng GameFi
Ang GameFi ay isa sa pinakamabilis na lumalagong sektor sa mundo ngayon– tila ang mga bagong proyekto ay nakakakuha ng higit sa $1m sa pagpopondo araw-araw…
Simula pa noong September 2022, mayroong higit sa 1,800 na mga larong blockchain na nakalista sa DappRadar…
Mayroon kaming mga sikat na laro sa maraming blockchain– Ethereum, BNB Smart Chain (BSC), Polygon, Harmony, Solana, at higit pa…
At habang ang teknolohiya ng blockchain ay patuloy na gumaganda, ang GameFi ay lalago lamang – lalo na sa mga umuunlad na bansa.
Konklusyon
Congratulations. Ngayon alam mo na kung ano ang GameFi, papaano ito gumagana, at kung papaano magsimula rito…
Madali lang makita kung papaano na-aattract ng GameFi ang mga gamer sa pamamagitan ng pagsasama ng entertainment kasama ang financial na mga insentibo…
Nakikita na namin ang malalaking kumpanya tulad ng UbiSoft, Atari at Epic Games na yakapin ang GameFi…
Oras lang ang magsasabi kung gaano lalaki ang GameFi.